Chapter 20: Moving On
Carmela's POV
[Now Playing: Miss Moving On- Fifth Harmony]
After two days, nakalabas na rin ako ng hospital. Hindi ko na nakita yung apat dahil si Kuya Cali lang din 'yung nandito. May pasok din kasi 'yung mga 'yun e. They'll just visit me when they don't have any activites or assignment to deal with.
"Nak, bukas papasok ka na ba talaga?" Tanong sa akin ni Mama. Tumango lang ako at nagulat ako nang huminto kami at may lalaking kasing edad ko ang nasa harap ko.
"Who the fuck are you?" Maangas na tanong ni Kuya Cali doon sa lalaki, nginitian lang siya at bumaling ang tingin nito sa akin. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Napangiti ako nang maalala ko siya pero hindi ko talaga matandaan kung anong pangalan niya! It starts with N and ends with I! Nakalimutan ko talaga. I should have a medal stating 'Fake Friend' in the middle!
I laughed with that thought.
"Kim! Naalala mo pa ba ako? Ako 'to si Nathan! 'Yung kababata mo dati? My god, I'm gonna be fucked up kung hindi mo 'ko naaalala!" Sabi niya. Kaya pala mukha siyang pamilyar, holy shit! Siya 'yung bestfriend ko na pumunta ng Korea para lang bisitahin ako!
"Nathan Kaizi?!"
"Kaizi?!"
Sabay naming sabi ni Kuya kaya bigla niyang inakbayan si Kaiz. Baliw talaga 'tong mga 'to. Isang taon lang ang tanda sa'kin ni Nathan. Napangiti ako nang makita siyang nakatitig sa'kin. "Hoy Nathan! Ganoon na ba ako kaganda?"
Meet Nathaniel Kaizi Montecarlo, ang boybestfriend ko na nagbalik mula Korea. Dun siya nag-aral simula Grade 4. Pero halos asaran lang ang ginagawa niya. Noong grade five nga kami, halos mainggit sa'kin mga kaklase ko dahil kilala ko si Nathan eh! Si Lia nga inaasar pa ako na baka kami raw ang magkatuluyan!
"Kaiz! Kailan ka pa nagbalik?"
"Ay nako, Kim last week pa."
"Ah okay, kamusta ka na? Grabe naman glow up ko!"
"Okay lang! Anong glow up? Pogi na ako simula noong bata ako!
"Mukha ba akong okay? Ang kapal ng mukha mo!"
"Hindi," he chuckled. "Lola ka pa rin e! Tamo, naka-wheelchair pa! Lola package!"
"Fuck you!"
"Hala? Minura kita? Since when did you learn how to curse?"
"Sabi ko I miss you."
"I miss you too."
He smiled kaya natawa ako. Ang bilis kong palitan ang topic namin. Nagkaroon ng sandaking katahimikan at inisip ko na basagin 'yon.
"Kaiz, bat ka bumalik?"
"Kasi nabalitaan ko na pupunta ka ng Korea so 'yon, nagmadali na akong bumalik para sabay nalang din tayo. Arasseo?"
"Ah, it's fine! Talaga naman! Gusto mo lang ako makasama eh!" He smiled when I said that.
Na-miss ko talaga 'tong mokong na 'to. Yung asaran namin kasama si Cali. 'Yung pagtawag niya sa akin ng Lola. 'Yung pagte-team up nila ni Cali para i-prank ako. One time nga, tatlong buwan niya akong hindi pinansin! Ayon tuloy, nung sinabi niyang prank 'yon, siya ang hindi ko pinansin!
"Sige na, Nathan, i-u-uwi muna namin si Carmela. Attend ka sa March 6 ah! Recog nila!" Sabi ni Kuya Cali at nagfist bomb pa yung dalawa. Isip-bata talaga 'tong mga 'to pero lakas magseryoso lalo na kapag tungkol sa kaibigan at pamilya!
Monday na naman at after nitong week na 'to ay recognition na namin, excited na ako, oh my god! Makikita ko na rin 'yung Namsan Tower. Maaamoy ko na rin ang hangin ng Korea! Napangiti ako ng maalala ko 'yung memories namin doon nung bata ako. Nanghihinayang nga ako nung hindi pumayag ang parents ni Lia para sumama sa'min e.
YOU ARE READING
Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)
Teen FictionHEARTTHROB SERIES #1 Carmela Alcantara, a typical high school student, experienced being linked with the campus heartthrob of Xien Academy. She is a straight honor student from elementary with her mother, brother, Cali, and her friends at her side...