Warning: Foul words ahead.
Chapter 23: Agony
Carmela's POV
Nasa isang kwarto ako ngayon, nakatali sa upuan at may takip din 'yung bibig ko dahil ayaw daw nila ng maingay lalo na nung Robert na 'yon. Mamatay na siya! Nag-aalala ako kay Mama, kasi wala siya sa bahay nung nangyari 'to. Nandun siya kila Tita at may nangyari raw kay Lola. Tangina naman! Tsaka lumabas ako sa kwarto kasi may nahulog na frame— picture namin ni kuya. Akala ko si kuya 'yon pero nagkamali ako.
Bakit magkakasama sila Nash at Kuya? Bakit galit na galit 'tong si Robert sa kanila? Bakit ako nadamay? Wala naman akong ginagawa sa kanila ah? Takte magkakamatayan na talaga! At tsaka ano 'yung sinasabi sa'kin ni Robert na may pinatay daw si Nash? He would never kill anyone! Kahit na malaki ang kasalanan sa kanya, hindi niya kayang pumatay ng tao.
"Robert fucking Cruz! Lumabas ka dyan!" Narinig kong sigaw sa labas na alam kong boses 'yon ni Nash. Hindi ko na makilala ang boses niya. Halo-halong emosyon ang narinig ko. Galit, inis, at awa. Hindi ako makaramdam ng takot sa boses niya. Hindi ko siya kilala. Who are you Nash? Bakit nagkaroon ka ng ganitong klaseng laban sa buhay?
Bakit talaga ako nadamay? 'Wag lang nilang gagalawin si Kuya Cali at tsaka ang mama ko, baka matuto akong humawak ng baril at kutsilyo nang wala sa oras.
------
Nash's POV
Ang galing din pala pumili ni Robert ng mapagtataguan, wala masyadong taong nakapalibot? Wow, hanga ako sa kanya. Titingalain ko siya mamaya, kasi nakasabit na siya.
"Robert fucking Cruz! Lumabas ka dyan!" Sigaw ko. Ilang minuto pa ang nakalipas, walang sumasagot pero may lumabas na babaeng kasama ang isang babaeng nakatali sa upuan.
"Tangina! Carmela!" sigaw ni Cali na naglalagablab na sa galit. Lalapit na sana kami nang may narinig kaming heels na papalapit. Namukhaan ko kaagad 'yung babae at 'di ko inakala na magagawa niya 'to.
"Hakbang pa, sige. Papasabugin ko bungo nitong babaeng 'to." Sabi nung babaeng nakatayo at tumutok ng baril sa ulo ni Carmela. Nakatingin lang sa'kin ni diretso si Carmela at wala akong mabasa na kahit anong emosyon sa mukha niya. Kahit takot wala... purong pag-aalinlangan lang.
"N-Natasha?" sabi ko.
"Hi baby! Missed me?" Sabi niya. Idiniin niya yung baril sa ulo ni Carmela at hinawakan ang gatilyo.
Buti nalang si Kyle, binato yung kutsilyo niya at tumama sa braso ni Natasha. Hindi pa talaga siya natuto ah? Agad namilipit sa sakit si Natasha. Kitang-kita ko kung paano umagos ang dugo sa braso niya. I saw Kyle smirked and looked at her. "Pangit mo naman umiyak!" Sigaw ni Kyle kay Natasha at natawa.
Lumapit si Jaeden kay Carmela para kalagan siya pero nawalan ng malay si Carmela. Kinakabahan man ako kailangan kong magpakatatag. Kahit na wala pa ang tunay na kalaban, kinakabahan ako lalo na't nandito si Carmela. I don't want her to see what can I do. Yes, I am an expert in handling guns and knives pero nanghihina ako sa tuwing titigan niya ako na para bang isang mamamatay tao. I can't kill, Carmela. It's against the law.
"Oh? Nag-start na ba 'yung game?" sabi ni Robert na nasa harapan namin ngayon may hawak na baril. Ngumisi ako nang makita ko siya. Nakatingin siya ng diretso sa'kin. "Oo, tagal mo kasi e. Mukhang nag-foundation ka pa. Tama nga si Carmela, mukha kang espasol."
Lalong tumalim ang tingin niya sa'kin. "Fuck you, Villanueva! Maputi lang talaga ako!" Sigaw ni Robert.
"Oh talaga? Bakit 'di pantay?" Pangaasar ko.
Sumenyas siya sa likod niya at umabas na rin 'yung mga alaga niya kaya sinenyasan ko 'yung APAT na tutukan nila yung Minions ni Robert. Kami ang magtutuos dito. Ako ang kailangan niya? Fine, I'll give myself to him pero sa huli ako pa rin ang mananalo.
YOU ARE READING
Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)
Teen FictionHEARTTHROB SERIES #1 Carmela Alcantara, a typical high school student, experienced being linked with the campus heartthrob of Xien Academy. She is a straight honor student from elementary with her mother, brother, Cali, and her friends at her side...