Chapter 24: Letter
Carmela's POV
Hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Nag-taxi nalang ako papunta sa kung saan, habang nasa hospital silang lahat. Umalis ako doon sa condo kahit madaling araw na. Wala akong pakialam kung magkasakit ako rito sa ulan. Gusto ko lang magpakalayo-layo.
Nag-vibrate 'yung phone ko, good news siya pero 'di pa rin mapapalitan ang sakit at hinanakit ng nararamdaman ko. I already missed my brother. Nasa hospital din si Mama pero ayaw ko magpakita kasi baka ako ang sisihin niya katulad ng paninisi ko sa sarili ko ngayon. Ako dapat ang tatamaan, it should've been me!
From: Stitch
Carmela, okay na si Jaeden, nakaligtas siya. Where are you? Are you still in my condo? Pupuntahan kita. Be strong, Carmela. We love you. I love you. Kaso buhay pa si Natasha at Cassy, ampucha. Be strong.Gusto kong umiyak pero parang naubos ata kanina. Dumiretso ako sa bahay ni Ate Trixy. Paglabas ko sa sasakyan taxi, bumuhos agad ang isang malakas na ulan. Buhay pa 'yung mga bruha na 'yon? Lagot talaga 'yon sa akin! Walang hiya talaga 'tong mga babaeng 'to! May ganon silang ugali! Napakasahol! Mas nakakagalit! Ang sarap putulan ng kamay e!
Wala na akong pake kung anong mangyayari sa akin. Nang dahil sa akin, namatay si kuya. Kung hindi sana siya humarang, buhay pa sana siya at makakasama pa niya ng masaya ang pamilya namin. Sana ako nalang, sana ako nalang ang nawala.
"Oh? Carmela? Nandito ka? Anong nangyari? Bakit puro dugo 'yung damit mo? Anong nangyari?" Bungad sa akin ni Ate Trixy, medyo malaki na rin yung tyan niya. Nag-aaral pa sila pero they already had a child. There's no mistake here, pareho nilang ginusto, and they both took responsibility for it.
Pagkapasok namin, niyakap ko kaagad si Ate Trixy at 'di ko na napigilang umiyak. Halatang nagtataka siya sa inaasal ko pero napayakap nalang din siya sa akin. Hinagod niya ang likod na mas lalong nagpahigpit ng pagkakayakap ko sa kanya.
"A-ate Trixy..."
"Anong nangyari?"
"K-kuya's gone. I'm sorry. It's my f-fault."
"What? How? Fuck, how the hell did this happen?!"
"Iniligtas niya ako sa bala na dapat tatama sa akin, p-patawarin nyo po ako. Please..."
"Hindi mo kasalanan... Pinili niya 'yun. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. Kung nasaan man si Cali, alam kong masaya siya at ayaw niyang makita na umiiyak ka. It's his decision to take that bullet. Don't blame yourself. We all make bad decisions to make even if it means leaving someone we love behind."
"Salamat po ate. I am really blaming myself. Kaya hindi ako pumupunta sa hospital. Kasi natatakot ako na baka sa'kin isisi ni mama ang nangyari." I glanced at her tummy. "Is it a girl or a boy?'
"Babae 'yung pamangkin mo, Carmela. And for all I know, Tita Ayra won't blame you. She knows that Cali has his own decisions in life."
"Ang sabi po niya sa akin, ate, ang ipangalan daw po sa kanya ay Julia Alyson Alcantara."
"Sige, alam ko naman na hindi na rin ako magtatagal." She laughed sadly.
"Ano pong ibig niyong sabihin? Ate, don't leave Alys with no parents!"
"May taning na rin ang buhay ko, pagkatapos kong i-deliver si Alyson, ay baka bawian na rin ako ng buhay. I am sick, Carmela."
"Ate, 'wag nyo namang iwang mag-isa si Alyson." I repeated.
"I'm sorry."
Tumayo na siya at niyaya akong pumunta sa hospital. Siya lang ang pumasok. Nash was still there pero wala na raw si Mama. Nag-drive na kami papunta sa bahay. Nakita namin si Mommy na nakahiga doon sa kwarto niya at nagpapahinga na kaya hindi ko na siya ginising at pinatulog ko muna si Ate Trixy sa dating kwarto ni Kuya Cali.
YOU ARE READING
Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)
Подростковая литератураHEARTTHROB SERIES #1 Carmela Alcantara, a typical high school student, experienced being linked with the campus heartthrob of Xien Academy. She is a straight honor student from elementary with her mother, brother, Cali, and her friends at her side...