Chapter 25

1.9K 87 21
                                    

Chapter 25: Goodbye

Carmela's POV

[Now Playing: Photograph- Ed Sheeran]

Hinatak ko bigla kay Nathan 'yung sobre na hawak niya. Nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ko o hindi, dahil baka lalo pa akong masaktan sa mababasa ko. I am broken right now and do I have to hurt myself to add more broken pieces on the floor? Can I sweep it clean after this?

Carmela,

Kamusta ka na? Sana habang nababasa mo 'to, mapapangiti pa rin kita. Sorry sa lahat ah. Alam kong 'di ako naging mabuting kuya sayo, simulan palang natin sa pang-aasar ko sayo. Sorry talaga ah. Hindi ako perpekto. No one is. Nobody's perfect, diba? Kaya nga heto, sinulat ko 'to bago ako umuwi ng Pilipinas. I got a feeling na hindi na rin ako magtatagal so yep, please don't cry while reading this letter.

Lola, tanda, manang, hoy, miss na kita. Alam mo bang love na love kita? Nababalitaan ko kay Nash na sobrang nag-e-enjoy ka kapag kasama siya ah? 'Yaan mo, mahal ka no'n! Alam ko. Nagpaalam nga siya kung pwede ka bang ligawan, 'di ako pumayag kasi sabi ko akin ka lang. Ako lang ang nagmamay-ari sayo. Kahit ano mang mangyari, 'wag mo siyang susukuan ha? He has a lot of problems, mentally. Sa family niya at sa mismong pagkatao niya. Please love and treat him like you treat me.

Carmela, may aaminin ako sayo. Kilala mo si Nash, Jaeden, Kyle at si Jasper diba? Kami ang Mistaken five, isa kaming tagong grupo dati na napagkamalang murderers. Mom doesn't know about this and neither do you, pero alam mo na. I really don't want to tell you this but I know someday, madadawit ka dahil dito. Alam kong maraming tao pa rin ang may galit sa amin. Pero 'wag kang mag-alala, poprotektahan kitang lola ka. Sakitin ka pa naman, sana ako nalang!

Hoy, ikaw. Protektahan mo ang sarili mo ah! Oo, ako ang nag-lock sa inyo ni Nash, dahil nagsabi siya sa akin na gusto niyang makipag-ayos sayo. Patawarin mo na siya ha. Ako rin 'yung dahilan kung bakit ka umiiyak ngayon. Sorry talaga, tangina, ayaw kitang iwan sa totoo lang. Manonood pa ako ng concert mo eh! I'm sorry if you cannot watch me do rounds in a hospital. I'm sorry if I cannot keep my promise to become the doctor we both want me to be.

Carmela, mahal na mahal kita. Si Trixy, alagaan mo siya ha. Alam kong malapit na akong magpahinga kaya nga ako umuwi e. Sorry ah! Sorry na! Si Nathan at 'yung apat, sila na ang tatayong protector sayo. Fucking hell, it hurts to know that you're crying while reading this. I'll hide this under your bed.

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now