Chapter 1: Arrival

97 7 1
                                    

Chapter 1

Arrival

***

Tumakas lamang sila sa dormitory nila dahil sabi ng kaklase niyang bitch magkita daw sila sa library para magtuos pero lumipas na ang oras at wala pa din ang kaklase nila.

"Ori are you really sure sa sinabi nila sayo?" Sabi ng kaibigan niya na nag-yawn at halatang inaantok na.

"Yup pero baka nag-back out na sila dahil sa takot. Tara na nga balik na tayo sa kwarto natin, we've just wasted our time here." Sagot ni Orianna sa kaibigan niyang si Chelsea at naglakad na sila pabalik sa kwarto nila.

Then hindi pa sila nakakalayo sa library ay may narinig si Orianna ng kung ano, parang isang napakahina at matinis na boses. Mukhang na-curios si Orianna sa boses na narinig nila. Pagkarinig ng kaibigan niya yun ay agad itong nagtago sa likod ni Orianna.

"Hey what are you doing? That is just a stupid sound. Okay?" Saway niya sa kaibigan niya. That tiny sound caught Orianna's curiosity and it's killing her right now to know where it came from.

"No it's not. I'm scared Ori."

Nawawalan na siya ng pasensya sa kaibigan niya kaya minabuti na niyang pabalikin ito sa room nila. Isasarado niya na dapat ang pintuan ng makapasok na si Chelsea sa room nila. "Saan ka pupunta? It's dangerous outside alone."

"Then come outside, I'm going back there and you wanna come?" Napailing na lang ang kaibigan niya sa sinabi nito. Ayaw na nitong bumalik doon dahil sa takot na marinig ulit ang kakaibang boses kanina pero di gaya niya, si Orianna naman ay gustong-gusto makita kung kanino nanggaling ang kakaibang boses na iyon. "Okay then, I'm leaving, kita nalang tayo bukas."

Tapos ay sinarado niya na ang pintuan at nagsimula na siyang maglakad muli pabalik sa kung saan niya narinig ang kakaibang tunog kanina. Hindi niya alam ang kung ano ang pumasok sa utak niya at gustong-gusto niya itong makita. Parang nahipnotismo siya nito sa pakiramdam niya. At ng makarating siya sa tapat ng library ay narinig niya ulit ito, mas malakas ang tunog nito kaysa nuong una niya itong narinig. Hinanap niya kung saan nanggagaling ang tunog pero nagtaka siya at dahil patungo ang tunog sa likod ng mga pader ng library shelves. Nagtaka siya dahil hindi niya malaman ang daanan papunta doon, ang tanging nasa isip niya ay makapasok dito at makita kung kanino nanggagaling ang kakaibang tunog.

Hanggang sa bigla na lang may nalaglag na libro kung saan niya pinatong ang kamay niya. Halos mapaiyak siya sa sakit. "Aa-ouch how did that happen?" Tumingin siya sa tapat ng lamesa, merong isang book shelves na puno ng mga libro pero wala namang tao o kung anong pwersa ang pwedeng makapagpatumba ng libro para bumagsak ito ng sakto sa kamay niya. Inisip ni Orianna na overloaded na ang book shelves kaya ito nalaglag pero bakit sakto sa kamay niya? Naiinis siya dahil kakapa-manicure pa lang niya dito pero tingnan mo ngayon, sira na. "Buwisit." Yun lamang ang nasabi niya.

Napatingin siya sa librong bumagsak sa kamay niya at duon naman siya nagkaintires sa libro. Ngayon niya lamang ito nakita sa library kahit halos nandito siya sa library nagpapalipas ng oras kakabasa.

"The Secrets of Artofea?" Pagbasa ni Orianna sa Title ng libro.

Na-curios siya kaya binasa niya ang bawat detalye ng libro, halos matatapos niya na ang libro ngunit napatingin siya sa wristwatch niya at halos 4:00 AM na ng umaga, hindi niya napansin ang paglipas ng oras. Wala pa siyang tulog at ilang oras na lang bago magsimula ang klase kaya nag-madali siyang pumunta sa room niya. Sigaradong di siya makakapag-concentrate ng maayos sa klase mamaya. Pagkadating niya sa kwarto ay agad na siyang humiga at itinago ang kakaibang libro sa likod ng unan niya. Makalipas ng ilang minuto ay unti-unti na siyang nakaramdam ng antok at nakatulog na siya.

Fantastic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon