Chapter 2
Welcome to
Fantastic Academy
***
I was awaken nang may marinig akong malakas na ingay galing sa labas. May kumakatok sa pintuan, pero tulog pa sina Aling Bella. Kaya ako na ang nagbukas at nabigla ako dahil sa nakita ko. Isang babae at lalaki ang nasa harapan ko, higit pa doon ay may kasama itong dalawang hayop na kakaiba. Ang isang hayop ay mukang paru-parong napakalaki at gawa sa mga diamonds ang katawan nito. Ang isa naman ay isang aso na nag-aapoy ang katawan at pula ang kulay ng mga mata, sa tingin ko nasa anim ang mga mata nito. Pero mas nabigla ako ng marinig ko ang sinabi nila. "Ikaw kailangan mong sumama sa amin." Aangal dapat ako sa kanila kaso lang ay bigla na lang ako nakaramdam na parang binalot ako ng isang bato o kung ano man. Wala akong makita at marinig.
——
Sa tingin ko halos isang oras na ang nakalipas ng binalot ng kung anong bagay ang buong ako. Kinakabahan na ako sa pwedeng gawin nila sa 'kin. But I cannot be afraid right now, kailangan kong maging matapang sa mundong ito.
Tapos nararamdaman ko na unti-unting nabibitak ang bagay na bumalot sa 'kin. Pagkawasak nito ay agad sinalubong ng liwanag ang aking paningin. Sandaling nasilaw ako sa liwanag. "Ngayon magpaliwanag ka at wala ka sa Fantastic Academy sa edad mong iyan." Narinig ko kaagad nang mawala na ang pagkasilaw sa aking mata.
"Uh-" Hindi ko alam kung tamang sabihin ko sa kanila ang katotohanan. Baka ikulong nila ako kapag sinabi ko ang katotohanan.
"Hurry up! Ang bagal-bagal sumagot!" Sigaw nung matabang babae, sa tingin ko nasa fourty plus na siya. Ang weird nga ng suot niya eh, all pink.
"Hayaan mo muna siya Professor Keuna, magsasalita din naman siya maya-maya lang." Sabi naman ng isang lalaki kay matabang piglet. Ewan ko ba pero nainis kaagad ako sa Professor Keuna na iyon.
"Miss magsalita ka na, bago ka pa gamitan ng ability ng isa sa mga gwardya rito." Sabi ng babae na nasa twenty plus palang 'ata. She's beautiful and napakamahinahon niya. "Don't worry hindi kami magagalit sa sasabihin mong dahilan kung bakit wala ka sa Academy."
"Si-sige po, hindi po ako galing sa mundong ito at nakakita lang po ako ng isang libro-" Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa biglang nagsalita yung babaeng mahinahon sa pagsasalita. "Anong libro?" Biglang naging seryoso siya sa pagsasalita.
"The Secrets of Artofea." Natigilan silang lahat sa narinig nila.
"At nasaan ang librong iyon?" Tanong niya muli sa 'kin.
"Sorry po kung gusto niyo po 'tong makita o makuha, naiwanan ko po kasi ito sa mundo ko." Sa pagkakaalala ko naiwanan ko 'to sa library.
BINABASA MO ANG
Fantastic Academy
FantasyOrianna Clock a teenager na mayaman at may almost perfect happy life but we all know na walang perpekto sa mundong ito. Dahil sa pagiging curious niya sa mga bagay-bagay, isang pangyayari ang hindi niya inaasahan. Napunta siya sa isang mundo na hind...