•Narrative•
Monday. After Fieldtrip. Lahat halos ay hindi pa nakakamove on sa pangyayari. Ang mga kaklase ko ay usap-usapan ang mga naging ganap sa trip except for Arrow na nakita kong nakatambay mag-isa sa corridor at nagsesenti.
Dahil ayoko siya makitang nag-iisa dahil kaibigan ko siya, nilapitan ko ito at kinamusta."Uy! " pagtawag ng pansin ko sa kanya sabay tapik sa balikat. "Bakit nag-iisa ka rito? "
"Wala. OP ako sa inyo, e. " sagot niya sabay kibit-balikat. "Buti pinuntahan mo ko, may ibabalita ako sa'yo. "
Parang nabuhayan na naman ang tsismosa cells ng katawan ko dahil sa sinabi niya. Luh, naeexcite ako! "Bakit, kayo na ni Tori? "
"Agad-agad, e hindi pa nga ako nakakaamin sa kanya? " aniya na nagpababa ng mood niya.
"Luh. Sorry naman, bagal mo rin kasi e! "
"Nagsorry ka pa e 'yong sumunod mo namang sinabi nakakasakit ng damdamin. "
"Huh, bagay lang 'yon sa mga torpeng tulad mo! " sabi ko sabay batok sa kanya ng pabiro. "E teka, ano nga ba ang ibabalita mo. "
Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at biglang nagseryoso. "Kiyarah, 'wag kang mabibigla. "
"Hala, pasuspense! Sabihin mo na! "
"Kasi noong mga nakaraang linggo, naga-audition ako para sa isang lead role sa upcoming teleserye ng ABS GMA Channel 5. At—"
"OMG OMG OMG IS THIS FOR REA—"
"Teka lang, ha. Patapusin mo muna ako! "
Bumaba naman ng 1% ang energy level ko pero hindi pa rin nawala ang excitement ko. "Tapos tapos? "
"Tapos... natanggap ako na gumanap sa isa sa mga leading men. "
Napanganga ako dahil sa binalita niya. In shock pa rin ako.
"OH MY GOSH WAAAH MAY KAIBIGAN NA AKONG ARTIS—"
"Uy 'wag kang maingay! " saway niya sa akin sabay takip sa aking bibig. Tumango-tango ako at tinakpan na lang ang sarili kong bibig. Hindi ko macontain 'yong feels!
"Grabe, proud na proud na proud na proud ako sa'yo, Arrow! " ani ko at saka siya niyakap habang tumatalun-talon. Ang saya saya talaga.
Kumalas na sa yakap si Arrow at nagsalita. "Kiyarah, maraming salamat sa lahat ng naitulong mo, ha? Hindi ko maaabot ang pangarap ko kung wala ka. "
"Sus. Drama! Haha your welcome, Pana. Walang kalimutan kapag sumikat ka na, ha? "
"Oo naman! Ikaw kaya ang pinakauna kong ka-loveteam." aniya sabay killer smile. Gwapo! For sure titilian ng maraming girls 'to! "Kaso Kiyarah, ilang buwan na lang tayong magkakasama. Magh-Home schooling na ako, e. "
Hala.
Lahat na lang ba ng mga magiging kaibigan ko, iiwanan ako?
Una si Larrent tapos ngayon naman... si Arrow.
Hay, sino na lang ba ang hindi mang-iiwan?
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...