HSLT 70

49 1 7
                                    

•Narrative•

Isang boring na bakasyon na naman ang nagsimula. Nauubos lang ang oras ko kada araw sa panonood ng mga Thai Series sa Youtube. Ang gaganda kaya! Hihi.


Sa kalagitnaan ng panonood ko ng Episode 8, bigla akong ginambala ng malakas na pagtawag sa akin ng kapatid ko.

"Ate kong pangit, may bisita ka! "

Akala mo kung sino siyang gwapo, e magkamukha lang naman kami. Sapakin ko 'to, e.

Itinali ko lang ang buhok ko nang pa-messy bun at nilabas ko na ang bisita ko kahit mukha pa akong basura. Bahala na.

Nang madatnan ko ang bisita kong lalaki ay nagulat at naexcite na agad ako. Kahit nakatalikod 'to, kilalang-kilala ko kung sino ang bisita ko!

"LARRENT CASHICO! OH MY GOSH! " Tumakbo na ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Larrent, namiss kita sobra sobra sobra! "

Ginantihan na rin niya ang yakap ko at nagsalita. "Namiss din kita, Kiyarah. "

"Buti napadalaw ka! Nagkaroon na ng kulay ang boring kong Summer! " ani ko at kumalas na sa yakap para matingnan siya. "Wow, nakakagwapo pala 'yong lugar na pinuntahan mo. Sama mo ko minsan, baka saka-sakaling gumanda pa ako lalo. Hehe. "

"Loko ka talaga. Haha. " iniabot niya sa akin ang hawak niyang supot. "French Fries, oh. Paborito mo. "

Nagningning ang mata ko sa ibinigay niya. "Hala, thank you. Mwah mwah! "

"Welcome. Tara, kwentuhan? "

"Tara, pasok ka sa loob ng bahay. Doon tayo sa sala. "

Pumasok na kami sa loob at tumambay sa sala. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung anu-anong bagay habang kumakain ng French Fries. Sarap!

"Hmm. Nga pala, Larrent, 'di ba sabi mo sa chat may ichichika ka sa'kin? Ano 'yon? " ani ko habang namumuhalan pa. Hehehe.

"Ah 'yon ba? Tungkol 'yon sa babaeng gusto k—"

"Oh talaga—"

"Kaso iba ang tinitibok ng puso. Masakit pero tanggap ko na, kaya give up na ako. " aniya sabay ngiti. Pero pain was evident in his eyes.

"Hala, bakit hindi mo ipinaglaban? Mahal mo ba? "

"Oo. "

"E ayon naman pala e. Kumilos ka na, Larrent! "

"Ayoko. "

"Huh? Bakit? "

"Dahil alam kong nakatadhana sa kanya ang lalaking gusto niya. " tumingin siya sa akin at matamlay na ngumiti. "May gusto sila sa isa't isa kaso hindi nila alam. Parehas kasi silang nahihiyang aminin ang nararamdaman nila. Pero alam kong sooner or later... magkakaalaman na. "

Tinapik ko ang balikat niya at nginitian siya. "Larrent, mabuti kang tao. At lahat ng mabuting tao, pinagpapala. Alam kong may babaeng nakalaan para sa'yo at darating din siya sa tamang panahon. Tiwala lang. "


°|Δ|Δ|Δ|°

Mensahe ni DulceSerendipia:

The end is near~

10 parts na lang then Epilogue na. Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng HSLT! 😍

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon