•Narrative•
"E...sino nga pala 'yong babaeng nagugustuhan mo? Share namaaaaan. " ani ko habang sinasanggi ang braso ni Larrent. "Kilala ko ba 'yan? "
Umiling lang si Larrent. "Hindi mo na kailangang alamin pa. "
"Hala, ang damot sa info! Akala ko ba magbestfriend tayo? "
"Mayroon lang talagang mga bagay na kailangang itago mo na lang sa sarili mo. "
I just shrugged at nagpout.
Naputol ang drama moment namin nang biglang dumating si Arrow... na may black eye?!
"Hala! Anong nangyari sa'yo, Pana? "
"Nasabak sa action scene, e. " sagot niya habang nakangisi.
"Agad-agad? Akala ko ba RomCom ang project na gagawin mo? "
He just shrugged. Buset talaga 'to, wala man lang details.
Tumikhim naman si Larrent na katabi ko. "A-ah oo nga pala, Arrow Winchester, si Larrent, bestfriend ko. Larrent, si Arrow nga pala, kaibigan ko. "
Nagtanguan sila at nag-fist bump. So gano'n na 'yon, walang bati-bati?!
Pero ang mahalaga, nagkita na ang dalawang kaibigan ko! Woot woot!
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...