•Narrative•
Bumalik na si Larrent sa lugar kung saan siya nag-aaral at may acting workshop naman si Arrow. Ang kapatid ko naman na si Kionne ay busy sa pakikipagharutan sa girlfriend niyang si Laurrence. (Naunahan pa ako ng kupal na magka-jowa). Si Daddy naman ay nasa ospital dahil isa siyang Doktor habang si Mommy naman ay busy sa pagbebenta ng Halo-Halo at Mais con Yelo.
Ako?
WALA AKONG MAGAWA!
Nalinis ko na ang buong bahay namin, nag-exercise na rin ako, nag-Zumba, tinry ko rin mag-aral para sa mga College Entrance Exams (kahit medyo tamad ako mag-aral!) pero ang bagal talaga ng oras.
Ang boooooooring.
Nagbukas na lang ako ng Messenger ko at nakita kong online ang kaibigan kong Artista. Makulit nga 'tong si Pana!

BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...