Chapter 6.

28 7 0
                                    

Falling

"Beige, wake up." isang boses anghel ang gumigising sa akin ngayon.

But I can't still open my eyes. Parang may kung anong humihila sa akin pabalik sa malalim kong pagtulog.

"Baby, we're here. Matutulog ka na lang ba or gusto mong buhatin kita palabas para magising ka?" I'm sleepy. Gusto ko pang matulog.

"M-mauna ka na. Inaantok pa ako." halos namamaos ko pang sambit habang nananatiling nakapikit.

"Okay, then." simple nyang sambit.

Minulat ko ng dahan dahan ang aking mga mata upang tignan kung umalis nga sya subalit nagulat ako sa sobrang lapit ng mukha nya sa akin.

"W-what the! W-hat are you doing?" parang mga kabayong nagkakarera ang aking puso sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

What the hell is he doing? Nabuhayan ako ng dugo sa pagmulat pa lamang ng aking mga mata.

Agad naman syang lumayo tsaka tumawa.

Ghad! Ang sexy nya tumawa. Nakakaloko talaga ang lalaking ito.

"At ano ang nakakatawa?" mataray kong tanong habang bumababa sa kotse nya.

"Nothing." sagot nya habang natatawa parin.

I checked my face on his car's side mirror.
Wala namang dumi. Wala namang bakas ng pagtulo ng aking laway.

Nakakainis to! Kung hindi lang ako inlove sayo baka nasuntok na kita.

Lumandas ang aking kanang kamay sa aking bibig dahil sa aking nasabi sa aking isip. Did I just said that I was inloved with him? Oh, no! No...

"What is it, baby?" sulyap nya sa aking mukha.

Im pretty sure sobrang pula na naman ng aking mukha ngayon.

"W-wala. Tara na nga." arte ko sabay diretso sa paglalakad palayo.

"Oh, I thought you're not coming with me?" he chuckled.

Paano akong hindi sasama ngayong gising na gising na ang buong kaluluwa ko. Hay naku, Lucien. I think i'm insane because of you.

Ngayon ko lang napansin na sa isang bayan pala kami pumunta. Akala ko ay sa bukid or kung saan man.

"Where are we, Lucien? Saan itong lugar na ito?" tanong ko habang naglalakad kami sa wari ko ay isang parke.

May magagandang puno na nakatayo rito at maganda ang mga bulaklak sa paligid. May volleyball court din kung saan may mga lalaking naglalaro. I'm not sure kung lalaki ba talaga lahat.

"We're in bayan ng Pinamalayan. Malapit na ang fiesta rito sa susunod na linggo kaya naisipan kong ipasyal ka rito ngayon habang narito pa ang mga tiangge at carnaval." paliwanag nya.

Wow! Eh bakit kaya hindi na lang kami sa fiesta pumunta kung ganoon? Ano namang gagawin namin dito? Mamimili sa tiangge, at makikihalubilo sa maraming tao sa loob ng carnaval?

Naglakad kami patungo sa may mga bilihan ng kung ano-ano. Take note, he's holding my hands while we're walking. Wala tuloy akong magawa kundi ang sumunod na lamang.

"Don't you like it here?" nabaling ang atensyon ko sa kanya.

Parang may kung anong guilt akong naramdaman. He's trying to make me feel happy pero ako ito ngayon at nag-iinarte. Hay naku, Beige.

"Of course...I-I like it here." at agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya sabay tingin sa paligid kung saan may iba't-ibang mga paninda.

Marami ring mga tao na namimili. Maganda ba talaga ang mamili sa ganito? First time ko talagang makarating sa ganito. And.... first time din kaya niya? Sigurado akong hindi.

Our Promised Land (The Valdirrama's Series #1)Where stories live. Discover now