chapter 35

104 1 0
                                    

"oyy beh tara na sa taas dun na tayo matulog bilis beh natatakot na ako dito"sabi ko kay lisa na katabi ko ngayon

"ehh paano nga tayo aalis dito eh natatakot nga ako" biset talaga tong babae na to

"tawagan mo ung yaya mo o driver mo sabihin mo punta dito sa living room buksan ang ilaw bilisan mo" agad naman nyang kinuha ang phone nya at tinawagan ang driver

hello manong,,punta ka dito sa living room,,buksan mo ilaw,,bilisan mo na wag kana magtanong

yan lang narinig ko..maya maya pa ay nagbukas na ang ilaw..agad naman inakis ni lisa ang nakataklob na kumot saamin

"oww myy gadd thank you manong you are my savior" huwaww nag english pa

"ehh maam ano bang nangyari at takot na takot kayo dyan" tanong ni manong

"uyy ikaw na mag kwento nic nangingilabot ako kapag naalala ko yun eh" haystt bat ko ba naging pinsan ito

"kase po manong diba po bukas yung ilaw sa kitchen tapos po biglang namatay tapos po nabuhay ulit,,akala po namin pundi lang tapos po maya maya namatay ulit..edi ayun natakot na kami..tapos maya maya po ung ref. naman po ang nagbukas kaya po nakaganyan yan..sa sobrang takot namin nag taklob na lang kmi ng kumot hanggang sa ayun dumating kayo" and i thank you..langya talaga tong si lisa eh ako pa pinag kwento

"hay naku maam akala ko po nung una ehh nag iimagine lang po ako pero totoo po pala" sabi ni manong

"what do you mean manong?matagal mo ng nararamdaman na may kakaiba here sa bahay" tanong nitong si lisa

"kung hindi pa kayo tutulog ikekwento ko sa inyo..wag kayong mag alala hindi ko naman kayo iiwan eh" agad naman akong pumayag pero itong si lisa wagas makaayaw pero napilit ko rin naman

umupo kami dito sa upuan dito sa living room at pinag umpisa na si manong mag kwento

"nagsimula ko yung maramdaman nung isang linggo lang,,8:00 na un ng gabi nasa garahe ako kase inaayos ko yung kotse nyo na nasira..lumusot ako sa ilalim ng kotse nyo para ho tingnan ang sira ng kotse maya maya pa may nakita akong paa sabi ko pa nga nun eh manang gabing gabi na matulog na kayo sabi kong ganyan kinabukasan tinanong ko sila kung may isa ba sakanila ang pumunta sa garahe noong gabing iyon pero wala naman daw ni isa sa kanila ang pumunta sa garahe ng ganong oras.." shemss nanlalamig ako tumataas balahibo ko nangingilabot ako..natatawa naman ako sa pagmumuka nitong si lisa putlang putla na sa takot

"pangalawa nung birthday ni maam nichole diba po hinatid ko kayo tapos po pag balik ko dito dumiretsyo ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubih sa ref. mga 8:33 na yun..pag kakuha ko ng tubig naghugas ako ng kamay pagkatalikod ko may narinig akong patak ng tubig pagtingin ko bukas yung gripo edi pinatay ko lalakad na sana ulit ako pero nagbukas ulit kaya pinatay ko ulit hindi na sya bumukas kaya umalis na ako" shemss  nakakatakot dito

"manong tuloy nyo lang po"sabi ni lisa na kanina ay putlang putla pero ngayon mukang nag eenjoy na sa kwento

"tapos yung huli kahapon lang..mga 10:00 ng umaga may naramdaman akong humawak sa balikat ko na sobrang lamig na kamay kinilabutan na ako,,at yan na ang huli"

timecheck: 3:45 Am

"osya matulog na kayo madaling araw na kapag may problema tawagan nyo ulit ako"tinulungan kami ni manong itaas ang mga gamit na nasa living room..hinayaan lang namin na bukas ang ilaw dito sa kwarto..

maya maya pa ay nakaramdam na kami ng antok  kaya natulog na kami ni lisa..kahit papaano ay nawala ang takot na nararamdaman namin kanina..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

so ayun yung lovestory naging horror story😂

4-22-18

Im Inlove With A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon