Chapter 6 ♡

7 1 0
                                    

Chapter 6
Better

  

Pagbaba ko ng hagdan ay agad na bumungad sa akin si Mommy na nagluluto ng omelette at bacon. Nakita ko naman ang ungas kong kuya at nginitian ko ito pero kumunot lang ang noo nito at inirapan ako sabay balik sa pag-inom ng kanyang kape. Natawa na lang ako sa inasta niya dahil naalala ko yung nangyari kahapon nung umuwi ako habang malakas ang ulan kaya parang nagtatampo na naiinis ito sa akin ngayon.

Naglakad lang kasi ako nang mag-isa kahapon tutal hindi naman ako hinatid ni Ralph at umuwi na din yung mga bruha kong kaibigan. Huminto muna ako saglit para maghintay ng masasakyan na tricycle ngunit isang pamilyar na kotse ang tumigil sa harapan ko. Bumaba ang salamin sa bintana nito at bumungad ang isang panget na lalaking halatang iritado ang itsura at nakakunot ang noo.

"BAKIT KA UMALIS SA SCHOOL NIYO?!"

Bungad na tanong nito sa akin ng pasigaw. Ako naman itong natameme dahil medyo natakot ako. Para kasi siyang tatay kung umasta ngayon.

Napabuntong hininga na lang ito ng malakas. "Get in the car." At sumunod naman akong sumakay sa passenger seat.

Alam kong nakatingin pa rin ito ng masama sa akin kaya nilingon ko siya at nginitian. "Wag mo akong ngingitian, Nymphea."

PATAY. Galit na nga si Kuya HUHUHU

"Ehh kasi naman-"

"WAG MO KONG I-EHH-EHH DYAN! PAANO KUNG NAGKASAKIT KA?! PAANO KUNG MABANGGA KA NG KOTSE HABANG NAGLALAKAD?! PAANO KUNG MAY DUMUKOT SAYO?! NAKO, NYMPHEA, HINDI MO MAN LANG BA TINIGNAN ANG TEXT KO SAYO?!"

Sa sobrang kaba ko ay kinapa ko ang bulsa ko at hinanap ang phone ko kaso may naalala ako.

"Uhm…n-nasa bahay po hehe Naiwan ko." Nginitian ko siya ng pilit at bumuntong-hininga nanaman ito.

Ang strikto talaga nito at nakakatakot kapag nagagalit kaya minsan ay iniiwasan kong magalit siya pero iyon lang naman ay dahil sa nag-aalala siya. Naiintindihan ko si Kuya, siya na din kasi ang tumatayong ama sa pamilya namin.

Pinaandar na niya ang kotse at inikot ang manibela para makabalik pauwi. "Hindi tayo bati." Ang huling katagang sinabi niya sa akin.

Natatawa talaga ako tuwing iniisip ko iyon. Ang sweet talaga ng kuya ko kahit palagi akong iniinis nito.

Umupo ako sa harap niya, bigla naman siyang napatingin sa akin at tumaas ang isang kilay pero nginitian ko ito ng malawak. "Bati na tayo, Kuya." Nagpacute eyes pa ako para maawa siya.

Malay mo effective WAHAHAHA

Inirapan nanaman ako at tumayo para ilagay yung kanyang plato at baso sa hugasan. Napanguso na lang ako sa hindi niya pagpansin sa akin pero alam kong hindi ako matitiis neto. Ako pa ba?

Pagkatapos kong kumain ay hinatid pa din ako ni Kuya papuntang university ng walang nag-iimikan sa aming dalawa kasi nag-iisip ako ng pwedeng gawin sa kanya para magkabati na kami.

"KUYA NAMAN EHH! BATI NA TAYO! Bilhan kita candy!" Sabi ko ng naka-ngiti bago bumaba sa kotse.

"Hmm…pag-iisipan ko. Take care. Bye." At sinarado na niya yung pintuan sabay alis.

Grabe. Pag-iisipan pa talaga.

Yan kase. Hindi man lang hinintay yung kapatid kahapon.

Tsk! Konsensya manahimik ka nga! Nag-iingay ka nanaman.

Guns 'N Roses (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon