EJ's POV"M-mom... s-si AJ po. M-manli..." Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong inagawan ng line ni Nicky.
"Manliligaw niya Tita Lovelyn." Saad nito.
Sabay kaming napatingin sa kaniya at agad naman itong nagpeace sign.
Bumalik kami ng tingin kay Mom at saka nagsalita si AJ.
"Hi Tita Lovelyn? Right? Good evening po." At ngumiti ito saka nagbeso kay Mommy.
Nandito kami ngayon sa living room at nakaupo. Kadadating lang namin from school.
And we're here para ipakilala si AJ to my Mom as nanliligaw sakin.Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang ipakilala si AJ kay Mom. At nakakainis lang kasi hindi ako sanay sa ganto. Hindi ako sanay na may pinapakilalang manliligaw ko lalo na't babae pa. And hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa ganitong idea ni AJ.
Dahil siguro gumatong nanaman si Nicky.
Ang unfair naman daw siguro if si AJ lang ang magpapakilala sa akin sa Dad nito.
"Good evening din AJ. Nice to meet you. Sa wakas at bumisita ka dito sa amin at officially pinakilala sa amin ni EJ as her manliligaw. You're so pretty hija." Mom kindly said and smiled at AJ very sweetly.
Napangiti naman si AJ dahil sa sinabi ni Mom at sa pagiging nice nito sa kaniya.
"Thank you po Tita." Saad naman nito at ngumiti.
"So tara na sa dining para makakain na tayo." Mom said.
Agad kaming sumunod kay Mommy sa dining. Pagkadating namin doon ay umupo na si Nicky and AJ sa harap ng table.
Bago pako makaupo ay tinawag ako ni Mom.
"EJ. Hija, tara sa kitchen tulungan mo ko iprepare yung mga pagkain."
Sumunod naman ako gaya ng sabi niya.
Pagdating namin don ay pumesto ako sa may counter at nagprepare ng food. Ganon din si Mom.
"Ikaw nak ha. Di mo naman sinabi sa akin na sobrang ganda pala niya. And nakakagulat. Parang dati lang todo deny ka pa but now pinapakilala mo na siya sa akin as your manliligaw." Saad ni Mom habang nagaayos ng pagkain.
Hay nako. Ayan nanaman siya 🙂
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Hay. Mom we're just prete..." bigla akong napahinto sa sasabihin ko dahil biglang may nagflashback sa utak ko.
"Don't tell anyone about this. Even your Mom, your bestfriend or kahit na sino. Kung hindi. Ipapatanggal kita sa school. And I swear na mahihirapan kang makahanap ng bagong malilipatang university. Baka yun pa ang maging dahilan para hindi ka makapagaral."
Naalala ko yung sinabi sa akin nung kumag na yon bago kami pumunta dito. And ayoko namang dumating sa point na hindi ako makakapagtapos kahit SHS man lang. Kaya sige, fine. Shut up nalang ako. 😐
"Ano yun anak?"
Bumalik ako sa wisyo ko nang magsalita si Mommy.
"A-ah... I-i don't know Mom. She's a nice person naman kaya siguro pumayag ako. And lately narealize ko na may something about her and nagbago lahat sa akin. Hays. I think I'm not the same anymore. Hindi ko na idedeny Mom. I guess bumaliktot na nga ako dahil sa kanya." I said.
Wow! Nice acting skills EJ.
Syempre kasama na dun yung "kunwaring" pag-amin na Bisexual ako. Right? Para naman sigurong di kapani-paniwala if sasabihin kong straight ako pero nagpapaligaw ako sa babae.