Hi, Wolves.
Surprised? Sana. Iyon ang goal ko, e.
I really don't know how to start this. Siguro sisimulan ko ulit sa salitang 'Mahal kita.'
Alam kong ilang beses niyo nang naririnig sa akin yan, dahil ilang beses ko na rin naman naiparamdam sa inyo sa lahat ng klaseng paraan na alam ko. Mahal ko kayo at masaya ako na nakilala ko kayo. Hindi lang kayo basta-basta dummy users na nakilala ko sa tabi. Naging pamilya tayo. Well, ako, ganon ang turing ko ewan ko lang sa inyo. Hahahaha. Pero kung mutual ang feelings, ayos. Good job sa akin yon.Gusto ko lang sabihin na salamat. Salamat kasi sumali kayo, salamat kasi nakisabay kayo, salamat kasi nanatili kayo. Salamat hindi ninyo ako iniwanan. Marami ang nasubukan nang magpaalam, pero salamat pa rin dahil bumalik kayo.
Kung may umalis, huwag mong hayaan na habang buhay mong pinagluluksaan yung umalis na yon. May mga naiwan pa, may mga nandyan pa para sayo. Wag kayong mabubulag sa sakit na dinulot nung tao o mga taong lumisan dahil baka makalimutan niyo lahat ng naiwan para damayan kayo. Paalala rin sa sarili ko, paalala sa ating lahat.
Patawarin ninyo ako sa nangyari. Hindi ko intensyon na bitawan kayo, hindi ko intensyon na tapusin ito. Gusto ko lang magising tayo na may mga bagay na pwedeng mawala. Mahal ko kayo, alam niyo yan. Hindi dapat mangyayari yon, ngayon pa na um-okay na kay Lia. Napag-usapan na namin kaya wala nang problema sa atin.
Nasaktan lang ako dahil nung sinubukan ko kayong bitawan, hindi man lang kayo lumaban. Kung meron man, isa o dalawa lang. Hinihintay ko kayong may gawin para maisalba to, kaso mukhang hopeless case na. Sobra akong napanghihinaan. Para akong mababaliw na hindi ko alam kung pride ba o puso't utak ko ang mas matimbang. Parang nagiging dalawa yung personality ko, nagtatalo kung dapat ko ba kayong ipaglaban. Kaso mas mahal ko kayo kaysa sa pride ko. Pero ngayon, alam ko na. Alam ko na kung ano yung dapat gawin.
Pwede pa ba ako humingi ulit ng isa pa? Isa pang pagkakataon para sa atin, sana.
Will you take me as your Alpha...again?