Mabilis siyang lumayo dito, dahil biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Halos pangapusan siya ng hininga dahil sa nangyari. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang kanyang sarili.
In his twenty years of existence, ngayon pa lang siya nakaramdam nang ganoong pakiramdam—'yong tipong tumalon pa ang puso niya at may kung anong bagay ang biglang naglalaro sa loob ng tiyan niya. Sa basketball game nga niya ay hindi niya 'yon maramdaman. God, what's happening to me?
Mabilis na napaupo sa kama si Morphine, na noon ay titig na titig pa rin sa kanya na nagtatanong ang mga mata nito kung ano ang ginagawa niya doon.
"I-I'm here to visit you, nalaman ko kasi sa mga kaibigan mo na may sakit ka at kasalanan ko ang lahat. Kaya nandito ako para dalhan ka ng..." mabilis niyang ipinakita ang bowl of vegetable soup. "vegetable soup, makakatulong ito para bumuti na ang lagay mo, tapos uminom ka ng gamot, bukas magaling ka na."
"You're here..." tila hindi makapaniwalang sabi nito. "Or I'm just hallucinating?" anito, saka nito kinurot ang pisngi nito. "Ouch! Teka... Is this for real?" nagtataka pa ring tanong nito.
Tumango-tango siya, saka napangiti. She is really funny and cute! "Drink this soup dahil makakabuti sa 'yo ang may gulay sa katawan. Kaya ka madaling matamaan ng sakit dahil mahina ang resistensya mo."
She chuckled. "You sounded like a Daddy now."
Napakamot siya ng ulo. "Ito, have some." Saka niya inabot dito ang bowl, pero hindi nito tinanggap. "You don't like it? Paano ka gagaling kung walang bitamina sa katawan mo?"
"Pwede ka ng maging Daddy ko." Nakangiting sabi nito, pero tila may gumuhit na sakit sa mga mata nito.
"S-So, you wanna replace your Dad?" napailing siya sa nasambit niya. Careless! Lihim siyang napailing.
"I don't have a Daddy, so pwede kitang maging Daddy. Pero pwede din kitang maging boyfriend kung hindi kalabisan, but of course I prefer na maging boyfriend ka—"
Hindi nito naituloy ang sasabihin nito nang subuan niya ito agad nang inihipan niyang mainit na sabaw.
Pero ang totoo niyan, ayaw niyang makita ang Morphine na nasasaktan at malungkot lalo at may sakit pa ito, baka mas lalo lang itong ma-depress at ma-stress.
She has the same father-problem like of Sasa before, pero ang kaibahan lang—kay Sasa ay nawalay ang ama nito dito dahil na-coma ang Papa nito nang hindi nito alam, while kay Morphine ay dahil hindi alam ng Daddy nito na may anak ito. Pero saka na lang niya ito susubukang pagkuwentuhin uli ang dalaga kapag tuluyan na itong gumaling.
"Ano'ng lasa?" nakangiting tanong niya. Confident naman siya sa luto niya e.
"It didn't taste like a lupa, it was delicious!" nakangiting sabi nito. "Did you really cook it?" and thank God dahil bumalik na ang sigla sa mga mata nito.
Tumango siya. "Masarap talaga ang gulay at maganda pa sa katawan, kaya kumain ka na simula ngayon para hindi ka agad-agad nagkakasakit."
"Susubukan ko po, sir." Natatawang sabi nito. "Pero syempre depende pa rin kung anong klaseng gulay." She chuckled.
Napailing na lang siya. "Sige, ubusin mo na ito at nang makainom ka na ng gamot."
"Then, let's play after?" parang batang yaya nito.
"Play? Hindi ka pa nga magaling e, magpahinga ka na lang muna."
"Magaling na ako!" anito, saka ito nag-strecth-stretch ng katawan sa harapan niya, para ipakita na malakas na uli ito. "Let's play 2K15 NBA video game!"
"Naglalaro ka no'n?" gulat na tanong niya. Ito pa lang kasi ang nakilala niyang naglalaro ng gano'n, madalas kasi sa mga babae ay kung hindi nagsho-shopping, e nagpapa-salon.
Tumango-tango ito. "Simula nang mapanood kitang maglaro ng Basketball, na-addict na din ako sa Basketball. Actually, nanonood na din ako ng NBA, PBA at UAAP."
"Wow!" wala na siyang nasabi. He was shocked and amazed at the same time. He didn't find it boyish though, kasi mahilig din sa sports ang Mommy niya.
"First time mo bang makarinig ng babaeng naglalaro ng basketball video game? Nakaka-turn off ba? My gosh!" mabilis nitong tinakpan ang mukha gamit ang kamay nito. "I shoudn't revealed it yet." Anito.
Natawa tuloy siya. "I was actually amazed," aniya. Dahan-dahan na nitong tinanggal ang kamay nito na nakatakip sa mukha nito. "I also have a girl best friend, pero hindi siya gaanong mahilig sa sports. Yeah, nanood siya ng basketball and other sports, pero mabilis siyang magsawa."
"Girl best friend?"
"Yeah," he smiled. "Like you, she is really funny and cute."
"Hmm... You know what, sabi sa isang book na nabasa ko dati, wala daw straight na lalaki at babae ang nananatiling magkaibigan, how did you manage na maging magkaibigan lang kayo, nang hindi kayo nai-in love sa isa't isa?"
Hindi siya kaagad nakasagot. Hindi niya alam kung paano 'yon sagutin. "...how did you manage na maging magkaibigan lang kayo, nang hindi kayo nai-in love sa isa't isa?"
Ang totoo niyan, hindi niya napigilan ang sarili niyang ma-in love sa best friend niya. Pero dahil ayaw niyang makasira nang magandang relasyon; both sa boyfriend nito at sa friendship nila—kaya hindi niya ipinagtapat ang nararamdaman niya kay Mikaela.
"Kiefer, are you still with me?"
Tumango siya at ngumiti. "Of course. Yeah, we're just friends. Hindi na hihigit pa doon."
Nagulat siya nang bigla na lang itong sumigaw. "Yes!" kaya napatitig uli siya dito. "Ah Kief, can I ask you a question?"
"Sure, ano 'yon?"
"You don't like me?""I-I never said that!"
"So, you like me?" nakangiting tanong nito.
"Ahm..."
"Enough!" sansala nito sa anupamang susunod na sasabihin niya, then she smiled big. "At least alam kong may laban pa ako."
Napailing at natawa na lang siya. Mukhang magaling na nga ito dahil bumalik na ang pagiging hyper at makulit nito.
The perks of being in love; it can change a person into another.
BINABASA MO ANG
The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)
Teen FictionPapatunayan ni Morphine na pantay-pantay na ang mga kababaihan at kalalakihan ngayon, dahil siya na ang manliligaw sa campus crush at love na love niyang si Kiefer Isaac! <3 (Inspired by Kiefer Isaac Ravena)