11

3.1K 73 0
                                    

"'UY AMORPHINA, para kang baliw dyan, kanina ka pa nangingiting mag-isa, mas nakakatakot ka pala kapag hindi ka nagsasalita." Naiiling na sabi ni Max sa kanya.

"Pustahan tayo, may kinalaman na naman si Kiefer sa pagkakaganyan niyan, iba talaga ang nagagawa ng in love." Naiiling din na segunda ni Mhel.

"Pero alam niyo guys, masaya ako para kay Morphine dahil masaya siya at laging inspired." Nakangiting sabi ni Rico.

Tumango-tango naman ang dalawang kaibigan niya. "Sabagay, mas gusto naman nating nakikita siyang masaya kaysa malungkot, huwag lang siyang ngingiti na katulad nang ginagawa niya ngayon, dahil natatakot na ako." natatawang sabi ni Max.

"Hoy Amorphina, wala ka bang balak na i-share ang kasiyahan mo sa amin?" ani Mhel.

"Hoy Amorphina Reyes!" sabay hampas ni Rico sa balikat niya.

Ngunit imbes na magreklamo siya dahil nasaktan siya ay nakangiting binalingan pa niya ang mga ito.

"I'm just too happy, my dearest friends." Aniya, saka siya napahawak sa magkabilang pisngi niya. "Indeed, falling in love is one of the most amazing feelings in the world. Haay..."

"Oo na, alam na namin 'yan, kaya i-share mo na 'yang kaligayahan mo." Ani Max.

"Ano'ng nangyari sa inyo ni Kiefer nang dalawin ka niya sa bahay niyo no'ng nakaraang araw ?" nakangiting tanong ni Mhel.

"Oh my God! Don't tell me you two... kissed?" nanlalaking-mata na tanong ni Rica.

Biglang kumabog ang puso niya, saka napatakip ng mukha. How did they know? E sekretong malupit 'yon? Gano'n ba siya ka-obvious?

Napasilip siya sa sa pagitan ng kanyang mga daliri. "P-Paano niyo nalaman?" nagtatakang tanong niya.

"Oh my God! So, you two kissed?" halos pasigaw na sabi ng tatlo na gulat na gulat sa nalaman. Nabisto siya! Akala pa naman niya ay alam ng mga ito, hinuhuli lang pala siya.

Mabilis siyang napatayo para takpan ang mga bunganga ng mga ito, halos paglingunan na kasi sila ng ibang mga customers sa Tambayan café nang umagang 'yon.

"Okay, hindi na kami sisigaw uli, basta mag-kuwento ka dali!" ani Rico, saka siya hinila uli paupo.

"Then you will keep this as a secret?" pagkukumpirma niya sa tatlo. Sabay-sabay naman na tumango ang mga ito. Huminga siya nang malalim, saka napabuga ng hangin. "Ganito kasi 'yon," nangingiting pauna niya, hindi niya maiwasang kiligin. "Pagkatapos niya akong pakainin ng soup na siya mismo ang nagluto—"

"He fed you?!" pasigaw uling tanong ng mga ito.

Pinanlakihan niya ng mga mata ito. "Lower your voice!" aniya, anak ng—nagmana na yata ang mga ito sa kanya—may pagka-exaggerated! Napailing siya.

"Okay, okay, tapos ano'ng nangyari?" tanong uli ng mga ito.

Napailing siya. "Naglaro kami ng 2k15 NBA videogame..." nakangiti niyang inalala ang nangyari nang araw na 'yon.

"Cleveland Cavalier ako, ikaw ano'ng team mo?" aniya aky Kiefer na noon ay katabi niyang nakasalampak sa harapan ng flat screen TV sa loob ng kuwarto niya, katatapos lang niyang uminom ng soup at gamot na ito mismo nagpa-inom sa kanya.

"LA lakers ako," anito, saka nito kinuha ang joystick na inaabot niya.

"Kobe Bryant fan ka, 'no?" nakangiting tanong niya. Tumango at ngumiti ito sa kanya. "Ako din e!"

The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon