Jade's POV
Natulala ako pagkatapos patayin ni Erin ang tawag, bumilis ang tibok ng puso ko at tila hindi ako makahinga.
Sunod sunod na naglabasan ang luha ko dahil sa mga narinig ko sa pag-uusap nila Shawn at Erin.
Hindi ko maigalaw ang paa ko, hindi ako makapasok ng gate namin. Ayaw magresponse ng katawan ko, tanging mga mata ko na lang ang sinusunod ng utak ko ngayon.
Para bang sinasabi ng utak ko na, kailangan kong hintayin si Shawn dahil pupuntahan niya ako ngayon. Kailangan ko siyang hintayin...
"Jade," isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin at kanina pa hinihintay ng katawan ko upang magreact ito.
Lumingon ako, dahil hindi ako maaaring magkamali boses niya iyon kilalang kilala ko ang boses na iyon.
Kagaya ko, nagpapaligsahan ding magsilabasan ang mga luha sa mata niya.
Wala pang sampung segundo ay agad kong inalis ang espasyo na namamagitan sa amin. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit at ganu'n din siya.
Ramdam ko ang pagpatak ng mga luha ko sa kaniyang balikat. Muli na naman akong nabalot sa mga kamay niyang matagal kong hindi nahawakan.
"I'm sorry," maikling sabi niya na naging dahilan ng tuluyang paghagulgol ko.
"I'm sorry. I'm sorry, pantal."
Wala akong masambit na kahit isang salita. Naging barado ang lalamunan ko at tanging pag-iyak ko lang ang nasasagot ko sa bawat paghingi niya ng tawad.
Makalipas ang ilang minuto ay marahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at nakangiti akong tiningnan.
"Gagamitin ko na ang second wish ko." sabi niya
"Anong wish?" natatawang tanong ko kahit may bahid pa ng luha ang pisngi ko.
"Ang maging akin ka ulit, maging tayo—"
"Wala pang tayo manyak," pagbibiro ko
Kumunot ang noo niya at saka ngumisi. Inangat niya ang aking baba at saka inilapit sa akin ang kaniyang mukha kasabay ng pagbibigay ng mabilis na halik sa aking labi.
"Be my girlfriend, then."
Alam kong namumula na ang mga pisngi ko ngayon. Muli na naman akong naubusan ng hininga, ng mga salitang dapat kong isagot sa kaniya.
Napakurap ako nang may lumapat na naman na malambot at basang bagay sa aking labi.
Mahina siyang natawa sa naging reaksyon ko at muli na naman akong tinitigan.
"I missed you," ang tanging nasabi ko habang nalulunod sa magaganda niyang mga mata.
"I missed you, too pantal." anas niya at hinawakan ang kamay ko, marahang ipinagsalikop ang aming mga daliri. "Tara na, hinihintay ka na ni dude." nakangiting sabi niya kaya nagtungo kami sa bahay.
Saktong pagpasok namin ay magkavideo call si papa at Jervin.
"Papa nandito na po si Ate—dude!" malakas na sigaw ni Jervin at yumakap kay manyak
Ipinakilala ni Jervin si manyak kay papa. Magkausap silang tatlo ngayon sa baba habang ako ay nasa taas at inaayos ang tutulugan ni manyak.
Sinabi ni papa na dito na patulugin si manyak para may kasama kami. Natawa ang manyak sa sinabi ni papa at saka sumagot ng 'oo'.
Pababa na ako nang marinig ko ang boses ni papa.
"Oh Shawn, sa'yo ko muna ipagkakatiwala ang mga anak ko ha? Kapag nalaman ko lang na magkaka-apo na ako, nako 'walang problema sa akin i—"
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Teen FictionJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...