•Narrative•
Kinabukasan, ginising ako ni Kionne at sinasabing may manliligaw daw ako sa labas. The F 'di ba? Wala namang nagtatangkang manligaw sa'kin!
Inipitan ko lang ang buhok kong hindi pa nasusuklay at hindi na rin nag-abala pang maghilamos. Tinanggal ko na lang ang mga muta ko at chineck kung may tumulo bang laway habang natutulog ako. Buti naman at wala. Lumabas na ako para harapin ang bisita ko.
Akala ko si Arrow, 'yon pala si...
"TENECIUS?! Bakit ka nandito? "
"Sinisigurado ko lang na mapapasahan mo ko ng pics. "
Hindi na ako pumalag pa at napairap na lang. Pumasok na ako sa kwarto para ihanda ang aking sarili.
Paglabas ko ay nag-uusap si Kionne at Tenecius tungkol sa mga Dota-Dota na 'yan. May narinig pa akong Mobile Legends pero pake ko ba? Everwing lang naman ang nilalaro ko."Uy Ate kong pangit! Hindi ka man lang nahiya kay Kuya Tenecius. Tingnan mo ang itsura nito, mukhang mabango oh! Ikaw naman mukha kang dugyot! Baka mapagkamalan kang alalay nito. "
Binatukan ko si Kionne dahil sa sinabi niya. "Sige, pula ka nang pula! Gusto mo bang papulahin ko 'yang mukha mo dahil sa sampal ko? "
"Sus, 'di mo naman kaya! Sumbong pa kita riyan kina Mama at Papa. Hindi ka man lang nagmamatanda, panganay ka pa naman! "
Inismiran ko na lang ang pangit kong kapatid at binalingan si Tenecius. "Ten, tara na nga! Ayokong makipagtalo sa mga immature na pangit! Baka masiraan ko pa 'yan sa girlfriend niya. "
Nagpaalam na si Ten kay Kionne at nakipagkamay pa. Jusq ano 'to, para silang nagmeeting. Masyadong pormal.
Binelatan lang ako ni Kionne. "Umalis na kayo! Pasalubong ko ha? Humayo kayo pero 'wag munang magpaparami! "
Makakapagmura ka talaga kapag may ganyan kang kapatid, e.
Nagpaalam na muna ako kay Mama, na surprisingly e makatango wagas at halos ipagtabuyan na ako. Bibihira lang pumayag 'to ng bonggang-bongga kapag gagala ako, kaya nga nakakapagtaka.
Habang naglalakad, kinausap ko na lang si Tenecius para hindi awkward. "Tenecius, pasensya na nga pala do'n kay Kionne ah. May saltik lang talaga 'yon. "
"Ok lang. Masarap naman kausap 'yong kapatid mo. "
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Jusq nasaan ang masarap kausap do'n?!
"Tara na, Kiyarah. Malapit na magbukas 'yong Pastry Chef oh. Bilisan mo na lakad. "
"Hala, 'wag na kasi doon, Ten! Gagastos lang tayo! "
"Ililibre nga kita—"
"Ayoko! Masyadong mahal do'n! "
Napatigil sa paglakad si Ten at tiningnan ako habang nakakunot ang noo. "E saan tayo? "
"Dapat kasi sa bahay na lang namin, e! Magpapasa lang naman ng pictures. "
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...