CHAPTER 21

2.6K 62 5
                                    

THIS IS AWKWARD! Sobrang awkward! Kahit mag-asawa sila ni Heaven, nahihiya pa rin siya dahil sa nangyari. Wahhhh!!!! Nanunuksong ngiti ang iginawad sa kanila ng kanyang Mamita habang kumakain sila ng agahan.

"Eat up princess. Hindi mo ba nagustohan ang luto ko?" Kunyari ay malungkot na tanong ng kanyang Mamita at pinalungkot pa talaga ang mukha.

She swallowed hard. "Ahh, hindi naman po sa ganun Mamita." Aniya saka tumungo. The food is delicious. Naiilang lang talaga siya kaya kahit anong sarap ng pagkain ay hirap na hirap niyang lunukin ito.

Mamita smiled widely while looking at her. "Hmm. Kailangan mo yun para lumakas ang katawan mo para kay baby."

Nabilaukan siya sa huling sinabi ng matanda. Umubo ubo siya, mabilis namang kinuhaan siya ni Heaven ng tubig. Hinaplos haplos pa nito ang kanyang likod matapos siyang uminom.

"Are you okay?" May himig pag-aalala ang boses nito.

Huminga siya ng malalim saka liningon ang asawa. "Mmmmmm." Aniya at tumango tango pa.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin ng magtama ang kanilang mata. Naiilang pa rin siya sa nangyari kanina. She's never been intimate with Heaven like that before. Kahit pa nung boyfriend pa lamang niya ito ay hanggang halik at hawak kamay lang sila.

Dahil na rin siguro sa nangyari sa kanila nun bago sila nagpakasal kaya hindi sila naging intimate pagkatapos nilang mag-isang dibdib.

That's the first time na umabot sila sa ganoong sitwasyon at nakita pa sila ng kanilang Mamita! How could not it be awkward?!

Malakas na napahalakhak ang kanyang Mamita dahilan para mapatingin silang dalawa rito. "Oh c'mon don't be so shy. Wala akong nakita remember? Besides, great grandchildren ko naman ang mga yun eh. Ohhh, a twins would be so lovely don't you think so?"

Nag-init ang pisngi niya sa sinasabi ng matanda. Kung pwede lang tanggalin niya ang kanyang ulo sa sobrang hiya ay ginawa na niya.

Heaven chuckled. "Don't rush it Mamita. Baka hindi pa buo ang anak namin ay lumabas na sa pagmamadali mo." Natatawang saad nito.

Napalingon siya rito saka ito pinandilatan pero mahina lang itong natawa saka siya kinindatan. Her heart actually hammered when Heaven said the word "anak namin". It only means one thing, tanggap na talaga siya nito. Parang nabunutan siya ng isang tinik sa kanyang dibdib, ngunit may isa pang kailangan niya ng kasiguraduhan. That man, kailangan niyang sabihin kay Heaven ang totoo bago pa lumala ang lahat. Hindi niya kakayanin kung babalik nanaman sila sa dati ng kanyang asawa.

Natapos ang almusal nila na panay ang tukso nang kanilang Mamita. Sinasabayan ito ng kanyang asawa na mukhang hindi apektado kahit tuksuin sila ng Lola nito. Like what the hell? Namumula na ang mukha niya sa sobrang ilang. 

Nagpresinta siyang maghuhugas ng plato. Gusto siyang tulungan ng asawa pero tinaboy ito ng kanilang Mamita at ito na raw ang tutulong sa kanya sa paghuhugas.

Wala ng nagawa ang kanyang asawa kundi ang umakyat na lamang sa kanilang kuwarto. 

"Before I forgot..." ani ng kanyang Mamita habang naghuhugas sila ng plato. "... pupunta ako sa isang event sa Macau." Anito na ikinagulat niya.

Nagulat man ay nagawa pa rin niyang makabawi. "Kailan po?"

"Mamayang gabi na princess. Maghahanda na ako pagkatapos natin rito. One o'clock ang schedule ng flight ko."

"Ihahatid ko po kayo." Aniya pero umiling ang matanda.

"No need princess, magkikita kami ng mga malalapit kong kaibigan kasi sila ang kasama ko sa event. Ipapabid kasi sa event ang emerald na rare sa mga mata ng mga tulad kong mahilig sa dyamante."

I'm the Wife of the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon