💔Chapter 14💔

95 4 0
                                    

'Start where you are, Use what you have, Do what you can'

-Arthur Ashe

======

Nakakahakot na din ng atensyon ang nangyayari. Nakayuko na si Kyla habang hila-hila ng dalawang lalaki ang aking mga kamay.

"Ano ba Stone nasasaktan si Kyla!!" singhal ni Richard.

"Bitawan mo muna si Kyla" balik na saad ni Shiro.

"Ikaw ang mauna" saad naman ni Richard.

Pinipilit padin inaalis ni Kyla ang pagkakahawak ng dalawa sakanya pero mas hinigpitan lang nang dalawa ang pagkakahawak kay Kyla.

"Bakit Miller may alam kaba tungkol sakanya?" tanong ni Shiro.

"Wal---"

"Wala naman pala eh edi bitawan mo na siya" saad ni Shiro.

Hindi na nakapagpigil si Kyla at inawat na niya ang dalawa.

"Will you just let go of my hands! Shiro you have your Fiancee that is waiting for you go to her and dance together til you die!!And you Richard wag ka ngang feeling close! wala ka ngang alam saakin eh ang alam mo lang ay isa akong bagong Litian, thats all but you. dont. know. me.!" saad ni Kyla at binawi ang kamay niya at tinungo si Tiara na nakakita sa lahat nang nangyari.

" That's why I don't want to go here. I will just make a commotion as I always do and.....I will be hurt" bulong ni Kyla kay Tiara.

'Hindi kaya......no way!' Saad ni Tiara sa isip niya at di makapaniwalang tinignan si Kyla.

Nagets agad ni Tiara ang ibig niyang sabihin. Napa-amang ang bibig ni Tiara. Ngumiti ng mapait si Kyla kay Tiara and then a tear escaped her eyes.

"Owwwwww!!!!"biglang hiyaw ng audience kaya napatingin silang dalawa roon at ang nasa isip ni Kyla ay sana hindi na niya iyon nakita.

Naghahalikan sina Shiro at Shiela at nakita ni Kyla na ngumiti si Shiro at idinikit ang kanilang mga ulo at ngumiti sa isa't-isa. Nagpalakpakan ang lahat pero hindi si Kyla. Sunod-sunod na pumatak ang luha ni Kyla kaya patakbo siyang umalis at nang marating ang dorm ay bigla nalang siyang nadapa dahil sa kanyang heels at gown na lalong nagpapahirap sa kanyang tumakbo. Lumalabo ang kanyang paningin dahil sa kanyang lupa kaya hindi niya nakikita ng maayos ang kanyang tinatahak at paminsan minsan ay nababangga siya hanggang marating ang kanyang room pagpasok niya ay nakalimutan niyang isara ang pinto dahil dali-dali siyang napaupo sa kama niya at niyakap ang unan niya at umiyak ng umiyak.

Napatingin siya sa pinto ng may kumatok roon. Pinuntahan niya ito at binuksan.

"Kyla" tawag ni Tiara.

"Tiara hindi ko alam kung paano o bakit!" sigaw niya at umiyak sa balikat ng kaibigan.

"Shhhh tahan na Kyla, maaayos din ang lahat" sabi ni Tiara at nginitian.

"Maaayos? bakit andali sabihin pag ikaw ang nagsabi?" sabi ni Kyla at naglakad papuntang kama. Sinundan siya ni Tiara at naupo sa paanan nito.

Napabuntong-hininga si Tiara at hinagod ang likod ni Kyla.

"Noong sinagot ko na si Harold nalaman kong dare lang pala ang lahat at walang katotohanan" napatingin si Kyla sakanya.

MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon