Yan yung Tatlong positibong salita na maglalarawan kung gaano kaayos ang ating pagsasama. Yan yung unang bagay na tumatatak sakin kapag tayo ay nagkakausap. Markang habang buhay na mag dudulot ng saya.
At sana lagi ka pang nandyan. Para gabayan ako sa aking problema
At sana lagi ka pang nandyan. Para ako'y lalong mapasaya
At sana lagi ka pang nandyan. Para buhay natin ay lumigaya at pag kakaintindihan at pag kakaunawaan natin ay mas lalong lumalim pa
At sana sa pag uusap natin ako'y may bagong matutunan pa
At saan na! ...... nga ba? Pupunta ang pag sasamahan nating sa sobrang haba at saya ay daig pa ang nobela
At yung salitang SANA ay kaysarap sa pakiramdam kapag NANDYAN NA at NANGYARI NA..
NANDYAN NA sa tabi mo yung lalakeng mag bibigay ng ngiti sa mga labi mo at yun ay NANGYARI NA
NANDYAN NA yung lalakeng sasamahan ka sa kahit anong kalokohan na gusto mong gawin at yun ay NANGYARI NA
NANDYAN NA sa isip mo yung lalaking magbibigay sayo ng inspirasyon sa mga susunod na hakbang sa ating tatahaking destinasyon at yun ay mangyayari pa.
At Nandyan man yung mga problemang dadating sa atin ay pwede pang solusyunan at yun ay maari pa.

BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoesíaFilipino poetry at pinaghuhugutan