Nakatulala ako habang nakatingin sa malawak na board. Nakalista doon ang mga pangalan ng mga taong nakasali sa publication ng campus. Nandoon din, in bold letters, ang mala-banal na pangalan ng mga taong nakapasok bilang editors.
My mouth hung open. Sa ilang taon ko sa publication at sa buong puso at kaluluwa kong dedication, no eat no sleep na pagdededicate, sacrifice my health level dedication, akala ko enough na ito. Hindi pa pala. Apparently, sa kaisa isang slot na sinalihan ko, hindi pa din ako nakapasok sa editors list.
Naalala ko pa ang ilang gabing sinamahan ko ang ilang kasama namin dahil kailangan na magsubmit ng leaflets sa pannel at ipublish. Nandoon ako. Nandoon ako sa panahong kailangan ako, at ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko.
I can do layout, I hand over our newsletters. Ano pa pala ang kailangan? Ginawa ko na ngang profile picture ang tag namin sa publication.
Sayang?
More like, pak shet.
Naramdaman ko agad ang umuusbong na init sa loob ko. Nag-iinit din pati ang ulo ko. Nagkukuyom ang mga kamay habang nakalagay sa gilid.
Jonas Andreo Veloso
Associate EditorI might have to search for that name on facebook to properly curse him. I have never known this person but i'm already aching to punch him. Hindi naman siya kasali sa publication! Bakit siya andito?
I leaned slightly, crossing my arms. Medyo familiar ang pangalan. I might have seen this name before or heard of it. But nontheless, kahit hindi ko siya kilala ay naiinis na ako. This is exactly the position that I was vying for, and now a stranger is occupying the seat meant for me.
Lumalalim ang paghinga ko habang tinitingnan ang mga pangalan nilang nakalista doon. Sa kabilang banda, andoon ang pangalan ko.
Maria Nicole Sy
Senior StaffIt was almost an insult.
I remember noong bata pa ako at sumali ng Miss Batang Silangan. Todo handa ako, todo practice ng smile, ng lakad, ng pose. Harap sa salamin unang una sa umaga, harap sa salamin huling huli sa gabi. Malalaglag na ang panga ko minsan kakangiti, halos nagkakamuscles na ang pisngi ko kakapractice.
Maaga ako noon kada meeting. Confident ako, at tuwing tinatanong naman ako ay cofident din ako. I wasn't dumb. I could answer anything then, planets, school, family, friends even about the president. I would always smile to everyone. Super na, todo pa ang peg. Dedicated kung dedicated, that is me. Ever since I was a child, I will do everything to get what I want.
"Be, bakit ayaw mo kumain?" my mom asked me after refusing to eat at dinner one time.
It is not that I wasn't hungry. Gutom ako noon, ang huling kinain ko ay chichirya na tigpipiso. Pero ang sabi kasi nung tindera, nakakataba daw iyon.
"Hindi ako gutom, eh. Saka hindi ko naman talaga gusto ang baboy na adobo, mmy. Baka tumaba ako, sasali pa naman ako sa Miss," the younger me said.
My mom laughed so much. I looked at her, "Yani," she touched my face. "Baby , you can eat whatever you want at tumaba ka man, love ka ni Mommy. Saka manalo man o matalo, you will always be our little Miss, ha?"
I thought my mom didn't understand what I wanted. Gusto kong manalo kaya ayaw kong tumaba noon. Ginawa ko ang lahat, kahit ang pagliban sa kain. She didn't understand that I was competitive.
Tumango nalang ako at kumain ng konti noon.
The day of the contest, highest level ang energy ko. Rumampa ako noon gaya nung sinabi ng handler ko na si Abel. Habang maraming taong nasa harap ko, todo ngiti ako. Andoon din naman ang parents ko, at madaming nagpapalakpakan sa tuwing lumalabas ako ng stage. Nung question and answer lang, siguro kinabahan ako ng konti pero kinaya ko naman.
YOU ARE READING
Mid Connection
RandomEverything she does, she does it with passion. Para kay Yani, kung kaya namang gawin ang nai-set niyang goals, bakit hindi. She has been good- very good, actually with journalism and as she hopes, gusto nya nang makasali sa Editors list. Graduating...