Maganda Ka

38 10 5
                                    

Maganda ka
Kahit iniwan ka nya
At walang atubiling humanap ng iba
Mata mong di kailangan lumuha
Ngiti mong sa labi na di dapat mabura,
Para kang bulaklak na inaalagaan ng tama
Parang halamang tinapakan ngunit namumukadkad pa
Di ka gamit na pag walang pakinabang balewala na
Ang sarili ay bigyan ng importansya

Huwag magpalamon sa poot na nadarama
Dahil sa bandang huli ikaw din ang masisira
Iwasan ng magtanong kung anong meron sya,
Kung mas kaibig-ibig ba ang tulad niya
Sapagkat wala na masaya na sya sa iba

Di na pinipilit ang mga bagay na tapos na
Palipasin ang araw at subukan ulit maging masaya
Ang kumpiyansa ay 'wag hayaan mawala,
Kahit sinaktan ka niya
Uulitin ko maganda ka,
Kamahal mahal ka,
At karapatan mo rin sumaya.

"Maganda Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon