Chapter 2

45 2 0
                                    

2

Halos kalahating buwan rin ako nag take ng physical rehabilitation dahil na rin sa kalahating buwan rin akong nakahiga at hindi gumagalaw. Maayos naman ang mga nakukuha kong result kung kaya sa makalawa ay maari na akong makauwi.

Sa loob ng kalahating buwan matiyagang dinadala ni Jamaica ang mga notes niya sa bawat lecture araw araw tuwing may klase papunta saakin para hindi raw ako ma behind sa klase at kada hapon naman binibisita rin ako ng mga tropa ko na si Kiel, Carl, Alan.

Sa loob ng kalahating buwan wala akong ibang iniisip kundi si Sophie, ang babaeng dahilan kung bakit ako nagkaka ganito. Sa loob rin ng kalahating buwan kahit subukan kong kalimutan ang isang Sophie Sabrina T. Del Aire hindi ko pa rin magawa at sa loob ng kalahating buwan hindi pa rin nasasagot ang napakaraming katanongan na umiikot sa aking isipan na kahit subukan kong itanong sa mga taong nakapalibot saakin ay walang makakasagot.

Lumipas na rin ang kalahating buwan para mabawi ko ang lakas at tibay ng aking pangangatawan. Natatawa na lang ako sa tuwing naaalala ko ng ako'y magising ay kalansay na ang tawag nila saakin, dahil na rin sa pamamagitan ng mga swero ako kumakain sa loob ng kalahating buwan, hindi ka na magtataka kung bakit bumagsak ang kilo ko mula sa limamput limang kilo patungo sa apat na put limang kilo. Hindi naman sa inyong pagaakala na mataba ako medyo lean lang ang katawan ko, ngunit matapos ang limang buwan na aking pagtulog ang pagiging lean ng katawan ko ay naging kalansay na raw.

Matapos ang isang araw natapos na rin ang aking paghihintay, makakauwi na rin ako sa bahay. Habang nasa biyahe kami ni Mama napapansin kong aligaga na aligaga siyang nakikipag usap sa isang tao sa phone. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka madagdagan ko pa ang stress niya.

Habang nasa daan kami hindi ko maiwasang matuwa dahil sa mga nakikita kong tanawin na isang buwan kong hindi nakita. Habang tumitingin ako sa labas ginawa ko na lang ang aking mga dating gawi, kinuha ko ang aking headphones at isang balot ng chips, isa na rin kasing stress reliever ko ang panonood sa mga taong tuwang tuwa at mga tanawin habang nakikinig sa mga paborito kong kanta at ngumunguta ng sitserya habang nasa biyahe.

"Anak, gising na naririto na tayo sa bahay, hinihintay ka na ng mga kaibigan mo."rinig kong pag gising ni Mama saakin dahil nakatulog ako.

"Ngghh"pagmur mur ko naman na nagpapahiwatig na teka lang po, gusto ko pang matulog.

"Ay, anak gumising kana, kanina ka pa niyan hinihintay ng mga kaibigan mo!"pagsigaw naman saakin ni Mama.

"Ahaha, sorry po Ma, ito na nga po babangon na po."agad kong sabi kay Ma dahil mahirap na, baka magalit pa.

Sa oras ng mabuksan ko ang pinto agad na bumungad saakin ang mga kaibigan ko at mga kasam bahay namin sa bahay. Habang pinakikiramdaman ko ang susunod nilang gawawin, bigla na lang nawala ang katahimikan.

"Welcome Back Gal Neill A. Salcedo."ikinagulat ko ng bigla na lang silang sumigaw ng pagbati. Hindi ko alam ngunit bigla na lang tumulo ang luha saaking mga mata.

"Hala! Lagot ka Jamaica sa Mommy ni Gal, plano mo to eh!"rinig kong sabi ni Kiel. Hindi ko alam ngunit bigla na lang akong tumawa dahil sa banat ni Kiel.

"Ano ba kayo guys! Sadyang sa-sad-yang na-nakaka-iyak naman tala-ga nag mga ga-nitong ta-gpo."utal naman sabi ni Cherry na halatang kahit anong oras ay iiyak na.

Oo nga pala si Cherry childhood friend ko. Simula pagkabata kahit maliit na bagay, tulad ng hihiram ako ng papel sakanya tapos hindi ko sinasadyang mapunit ang susunod na papel iiyakan niya agad.

Habang nagtatawana kami dahil sa pagiging corny ni Cherry, bigla na lang silang natahimik at bumakat sa kanilang mukha ang isang malaking mga ngiti habang nakatingin sa gawing likod ko kung saan ang aming kusina. Natawa naman ako sa inasal nila dahil ang akala ko ay dahil excited na silang kumain ng mga nakahandang pagkain ngunit hindi, nakangiti sila dahil sa isang taong dumalo sa aming pagsasalo ng hindi ko inaasahan.

Nang aking masilayan ng kanyang gam mukha gad na tumulo ang aking mga luha, bigla na lang nanikip ang aking paghinga at hindi rin ako makagalaw. Habang nasa ganito kaming tagpo, nakikita ko siyang naglalakad patungo saaking kinatatayoan habang hawak hawak ang isang cake.

Kaharap ko na siya ngayon ngunit hindi pa rin nagsi sink in sa isip ko kung ano ang nangyayari.

"Welcome back Gal."rinig kong malumay niyang pagbati saakin habang binibigyan niya ako ng isang ngiti na naging dahilan upang mas lalong tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

"S-so-phie?".....

Taming The Girl Who Broke My Heart [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon