MAGMU II

9 0 0
                                    

CASSANDRA
FLASHBACK

"Ano ba! Let me go" Sigaw ko sakanya, Sobrang hilong hilo na ko pero naaninag kong lalaki ang humihili sakin kaya hindi ko na ininda para di ako mawalan ng control at baka kung ano pa ang gawin nitong lalaking humihila sa akin. 'di pa rin siya nakinig hinila pa din niya ako "Hoy Mister! Ano ba nasasaktan na ako, Let me go!" Patuloy kong sigaw at hila din ng kamay ko pabalik pero t*ngina naman nitong lalaking to ayaw paawat, tsaka sobrang lakas niya kumpara sa akin.

Patuloy ko pa din siya sinisigawan hanggang sa nakarating kami sa isang VIP room, Tahimik dito. Infact kami lang nandito, ngayon ko nga lang nakita 'tong VIP room na ito. Sa tinagal-tagal kong nagpupunta punta dito. Inilibot ko ang mata ko, Para siyang room talaga dahil sobrang kumpleto na siya. May isang maliit na bed, may paeang mini sala at may mini kitchen pero sobrang dilim niya.

"Ilabas mo na lahat ng sama ng loob mo ngayon dito" natigil ako sa pagchecheck out sa room ng bigla siyang nagsalita. ha? Anu'raw? Sama ng loob? Okay lang ba siya? Tsaka sino ba 'to? Kilala ko ba siya? Pinilit kong tignan ang mukha niya kaso nakatalikod na siya sa akin "Wag kang lalabas hangga't di mo nailalabas yan, Im going out"

"Nakadrugs ka ba kuya?" Ay ano ba yang tanong ko, Ang sama ko naman na. Pero kasi para siyang adik na bigla bigla nalang eh, Hala baka mamaya budol budol 'to tapos di na niya ako pauwiin, itumaba nalang ako. Omgeee! Tangina kasing bibig to eh bigla bigla.

Huhuhu Daddy Help meeeee!

Tumawa lang siya ng mahina, Pero dinig ko parin 'yon kasi medyo sound proof ang room na ito.

"Tss. Anyway hindi mo naman kailangan hilahin paalis ng dance floor kuya! I want t-"

"So gusto mong hinahawak hawakan ka sa iba't ibang part ng katawan mo? Is that what you want?" Di makapaniwalang sambit niya. Ha? Ano daw? "Gustong gusto mo minamanyak ka? Ganon ba? Ganon ka bang babae?" Napamaang na lang ako sa idinugtong niya. Parang nawala lahat ng kalasingan ko sa sinabi niya. At....

*Slap*

At the next thing i knew is nasampal ko na siya.

"Hindi ako ganong babae! Don't act as if close tayo. At wag na wag mo ko dinedegrade sa ganong klase ng babae." Sigaw ko sakanya.

He sighed after saying "Im sorry." then he turned his back at nagsimula ng maglakad paalis.

I feel pity. Nagmamalasakit na nga yung tao tapos gaganonin ko pa kaya before he leaves, "Im sorry mister, hindi ko yon sinasadya" i shouted.

Tumango lang siya bilang tugon tapos umalis na agad. Hindi ko pa man din naaninag kung anong hitsura niya para mapasalamatan after ng pagkakalat ko dito. Hays.

Susundan ko pa sana siya kaso hello?! Babae ako at lalaki pa din siya, Malay ko ba kung anong pwede nyang gawin sa akin.

Nilibot ko nanaman ang mata ko sa buong kwarto , Medyo creepy siya.
Nakakatakot, pero ano pa nga ba ang magagawa ko eh andito na ako. Tsaka ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Hilong hilo na din ako. Feeling ko anytime mamamatay na ako sa sakit ng puso ko ngayon. Para bang pasan ko na ang buong earth. Yoko na talaga dito, Punta ako mars, hays.

In no time, Lumabo nalang ang paningin ko and the next thing i knew was i was crying, Napaupo lang ako sa sahig at niyakap ko ang mga tuhod ko

Flashback

'Mommy hindi mo na ba kami mahal ni Daddy?' May mga crystal nang nahuhulog sa mga mata ko, Habang yakap yakap ko siya 'Mommy don't leave us please, kailangan ka namin ni Daddy' Pagmamakaawa ko pa sakanya.

'Cassey, Mahal kita. Mahal na Mahal anak' Simpleng sagot lang niya.

'What about Dad? Mommy he need you. Please don't go'

'Cassey , Come on anak! Wag ka ng magmakaawa sakanya. Nakikita mo naman na mas pinipili nya ang kabit niya kesa sa atin diba?' Hinila ako ni Daddy papasok sa bahay.

'K-kabit? Is that true Mom? Are you leaving because of other man?' Hindi siya sumagot, Sabi nila Silence means Yes. Umiyak lang siya. Tumakbo ako palayo sakanila.

Papasok na sana ako sa kwarto pero biglang sumigaw si Mommy 'Balang araw maiintindihan mo rin ako Cassey, I know mapapatawad mo rin ako'

'Stop Marisa! Just leave us' sigaw sakanya si Daddy'

End

"A-ano bang k-kasalanan ko? Ha?" Pahikbi kong usal habang nakatingin sa kisame na animoy nakikita ko ang kalangitan.

"Do i deserve all of this things? Akala ko ba anak mo ako? Akala ko ba mahal mo ako? Sana di mo nalang ako binuhay" Pagalit kong usal. Sobrang sakit. Di ko na alam. Parang gusto ko nalang tumalon sa bangin o kaya magpasagasa sa train.

"Una, Si Mama iniwan nya ako para sa iba! Ngayon naman si Marq? I've gave them my full trust, Pero bakit parang ang dali naman na sirain?" Bakit ganon. Lahat ng minamahal ko may ibang minamahal. Tanginang buhay to!!! Daddy ayoko na.

"Bakit ako nanaman? Bakit? Hindi pa ba sapat si Mama? Hindi pa ba sapat yon? Ano bang ginawa ko sayo at bakit ganon nalang ang sakit na pinapataw mo?"

"Para bang namigay lang ako ng laruan sa isang bata, Pagkatapos pahalagahan at pagsawaan. Sisirain nalang bigla?" Natawa nalang din ako bigla "Hahaha , Ako rin naman din tong si gaga, Nagpakatanga" Para na akong batang umiiyak dito sobrang wasted ko. Sobrang gulo ng buhok ko at Sobrang hilong hilo na ako sa dami ng alak na nainom ko. Iniyak ko na lahat lahat ng iyak ko, Lahat-Lahat na para sa susunod hindi na ako maiyak at maging mahina.

Sabi na nga eh. Dapat di na ako nagmahal kasi everyone leaves kapag nabigay mo na lahat at wala ka ng natira sa sarili mo. Pinunasan ko ang sarili ko at napagdesisyonang humiga at umiyak lang ng umiyak without single word sakin. Wala na. Sobrang gaga ko na. Sobrang tanga ko pa. Di na ako natuto eh. Sa sobrang pagod ko kakaiyak. Nakatulog na lang din ako.

----

"Cassandra, You deserve to be happy"

Magmahal MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon