Hindi Ka Na Nakakatuwa

157 3 4
                                    

Hindi ka na nakakatuwa

written by: thinkerbellxx



Alam niyo ba yung feeling na palaging napagtitripan? 


Yung feeling na lagi na lang napagtatawanan? 


Yung laging nabubully?


Ako kasi oo eh, palagi. At ang masaklap pa dyan, yung crush ko pa.

Siguro magtataka kayo kung bat ang crush ko eh matrip, pasaway, at maraming kalokohan sa buhay diba? Wag kayong mag alala kasi hindi ko na siya crush ngayon. Ikaw ba naman araw araw alaskahin, patirin, kaladkarin at pestehin. Sinong di matuturn off nun? Sabihin niyo nga? Tsk

Oo sabihin na nating gwapo nga siya, matangkad, maputi, chinito, matalino pero ewan ko ba kung anong meron sakin at palagi niyang iniistorbo ang mapayapa kong buhay. 

Kaklase ko siya since first year ako, at hanggang ngayong fourth year na kami kaklase ko pa rin siya. Noon hindi naman siya ganyan sakin eh, pero ng tumungtong kami sa third year aba't akalain mong parang palaging ako na lang ang nakikita.

Crush ko pa siya ng mga panahong yun, kaya hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang pantitrip niya dahil sa wakas ay napansin niya na rin ako.

Nung una okay lang sakin, pero ng tumagal napuno na ko. First and second year kasi hindi naman niya ko masiyadong pinapansin, minsan nga feeling ko hindi niya ramdam ang existence ko eh. Ewan ko ba ang gulo niya.


"Ay kabayo!" napasigaw ako ng muntik na kong matumba sa corridor. Hindi ako natumba pero nalaglag ang mga librong dala ko na hiniram ko sa library kanina lang. 

Habang pinupulot ko ang mga nalaglag kong gamit, nakarinig ako ng mahinang tawa sa likuran ko kaya napalingon ako. Napairap na lang ako ng marealize ko kung sino ang dahilan kung bakit gamuntik ko ng mahalikan ang sahig. 


"Hi Fritz" sabi niya sakin habang pakaway kaway pa na parang wala siyang ginawang masama sakin. Naningkit na lang ang mata ko at saka lumapit sakanya at pinukpok siya ng isa sa mga hawak kong libro sa kanang braso niya.


"Ang sama mo talaga Connor! Ugh!" bulyaw ko sakanya, napangiwi siya pero agad din nagsmirk sakin 


"Bakit na naman Fritz? Hindi naman kasi kita nakitang dumaan eh" pagkasabi niya nun nilingon niya ang mga barkada niya at saka nagngitian. Ibinalik niya ang tingin niya sakin at saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko.


"Bakit? Nasaktan ka ba?" mapang asar na tanong niya sakin. Ipinatong ko ang palad ko sa mukha niya at saka inilayo yun sakin. Napangiti siya pagkaalis ko ng kamay ko sa mukha niya at saka inayos ang damit niya.


"Bakit Fritz? Naiinlove ka na ba sa gwapo kong mukha?" pagkasabi niya nun nagtawanan ang mga kaibigan niya sa likod at ichineer pa siya. Napairap na lang ako sa kabadtripan at lumapit sakanya. Tumingkayad ako at saka inayos ang buhok na nakaharang sa mata niya, nag "ayeeee" ang mga barkada niya at napasmirk ulit siya.


"Mangarap ka Mr. Buenavista, ang baho kasi ng hininga mo. Magtoothbrush ka next time ha?" sabi ko sabay pitik sa noo niya. 

Hindi Ka Na NakakatuwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon