An Obscure String that Bind Us!

51 4 0
                                    

 

.

.

**

"Sister Jane, mauuna na po ako.." paalam ko kay sister Jane na ngayon ay nagliligpit na ng mga pinagkainan ng mga bata kasama ang ilan sa mga helper ng bahay ampunan. Lumapit sya sa akin at nagmano naman agad ako.

"God bless you Gavin.. " she pat my shoulder "Mag-iingat ka anak." paalala pa nya sa akin.

"Opo Sister Jane, babalik po ako dito pag dayoff ko po." nakangiti kung sabi. Kahit may kalayuan ang ampunan sa lugar na pinagtatrabahuan ko ay hindi ako magpapagud na magpabalik balik dito.

"Abay sige ikaw ang bahala, basta't lage kang mag-iingat ha." magalang naman akung ngumiti at tuluyan ng nagpaalaam.

Sabi ni Sister Jane, 3 years old daw ako ng makita nila ako sa harap ng gate ng orphanage at magmula nun sa bahay ampunan na ako lumaki, kaya laking pasasalamat ko talaga sa mga taong naririto, buong buhay kung tatanawing utang naloob yun sa kanila. Lalo na din sa mga taong tumulong sa akin na makapagtapos.

Pagtungtung ko ng college ay nagpasya na akung umalis sa orphanage, may kalayuan kasi ang univirsity na pinapasukan ko noon, kaya yun ang dahilan ng pag-alis ko. Naging working student ako para lang matustusan ko ang pang araw-araw na gastusin ko. May allowance naman ako, pero ayaw kung umasa dun, nakakahiya naman din kasi. Kaya pinagbutihan ko din talaga ang pag-aaral ko. At sa awa ng Diyos ay nakapagtapos din.

It's been 2 years magmula ng makapagtapos ako ng pag-aaral, salamat sa organization na sumusuporta sa bahay ampunan kasi isa ako sa mga scholar nila at nakapagtapos ako bilang nurse, at naging top 5 ako sa bar exam kaya ngayon ay R.N na ako. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ako sa isang kilalang hospital sa city na pagmamay-ari din ng isa sa member ng organisasyong tumutulong sa orphanage. 

Alam ko common na masyado tung kwento ng buhay ko, pero gusto ko lang na ibahagi ito sa inyo.

 Oo nga pala! kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi man lang ako nakapagpakilala,  ako nga pala si Gavin Cruz, hindi ko alam kung yun ba talaga ang pangalan ko, pero iyon kasi ang ibinigay nila sister na pangalan para sa akin. 23 years old at single. Haha, well wala pa talaga sa isip ko ang pumasok sa isang commitiment na gaya ng pagkakaroon ng relasyon sa isang babae, hindi sa bading ako ah! pero hindi ko pa yata nahahanap yung tamang tao eh. De joke lang! haha gusto ko muna kasing tumulong sa orphanage, makakapag antay pa naman siguro ang ganung bagay diba? 

Nandito na ako ngayon sa hospital, night shift ako kaya wala na namang tulogan to. Nakakapagud minsan ang maging nurse, pero wala na akong magagawa dahil wala namang trabahong hindi nakakapagud diba? kaya inienjoy ko nalang.

It's been a week magmula ng dumalaw ako sa orphanage, at ngayon day off ko ay nagpagpasyahan kung pumunta doon. Dumaan muna ako sa isang super market para bumili ng magkaing ipampapasalubung ko sa mga bata doon pati na kina Sister Jane.

Almost 2 hours din ang byahe magmula sa City papuntang orphanage, pero kahit ganun, sulit pa din ang mahabang byahe pagnakikita kung masaya ang mga bata tuwing sinasalubong nila ako. 

At gaya nga ng sabi ko, pagkapasok ko pa lang ng gate ay tanaw ko na ang mga batang papalapit sa akin, nakakatuwa lang talaga, nakakawala ng pagod ang mga ngiti nila.

"Kuya Gavin! Yehe nandito na si Kuya Gavin!" ilan lang yan sa mga salubong nila sa akin.

"Oh kamusta naman kayo?" masaya kung tanong sa kanila. Ayun nakakalitong sumagot ang karamihan sa kanila. Kinarga ko naman si Milka ng hablutin nya ang laylayan ng t-shirt ko, isa ang batang ito na napalapit na din sa akin, 2 years old pa lang sya, kaya binibaby ko lage. Ang cute nya din kasi. ^_^

STRING OF FATE (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon