Naramdaman ko na ang init ng sikat ng araw sa mukha ko kaya napamulat ako. Inabot ko ang alarm clock sa side table at tiningnan kung anung oras na. Napabalikwas ako ng bangon ng makita kong past 10 am. Sa sobrang pagod ko siguro kagabi kaya hindi ko na naramdaman na tumunog ang alarm clock ko. Dali-dali akong tumungo sa banyo at naligo.
Agad akong bumaba pagkatapos na makapag-ayos ng sarili.
"Ya, nakaalis na po ba si Kuya?" tanong ko sa katulong ng makasalubong ko sa hagdan.
"Hindi pa Nak, nasa dining hall kumakain kabababa lang din magkasunod lang kayo." sabi ni Yaya Lucing. Anak na tawag niya samin dahil ito na rin ang naging yaya namin ni Kuya at ni Zeus mula pagkabata. Brunch na to kasi tanghali na.
May jetlag pa siguro si Kuya kaya tinanghali na rin ng gising. Si Zeus naman malamang hinatid na ng driver sa school dahil maaga ang pasok nito.
"Good morning Pogi!!" bati ko kay Kuya at umupo sa tabi niya.
"Morning Baby!" nakangiting bati niya.
Napasimangot ako. Gaya ni Zeus ayaw ko rin na tinatawag pa akong baby.
"Eehh...stop that baby thing nga. 22 na ako Kuya." reklamo ko sa kanya.
Tumawa lang ito sa tinuran ko. Mukhang maganda ang gising ng mokong na to ah. "Bilisan mo diyan at sumabay ka na sakin papasok, late na tayo."
"Okay, what about later pag uwi? Kanino ako sasabay? Wala ka bang date mamaya? Wala ka man lang namiss na naiwan dito??" sunud-sunod na tanong ko sa kanya.
"Pasundo na lang kita mamaya kay Manong Andoy just incase magkaroon ako ng biglaang lakad mamya." aniya. Halatang wala siyang balak sagutin ang pang iintriga ko sa kanya.
Tumunog ang celfon ko at binasa ang text ni Lylle. May 5 missed calls din galing sa kanya.
{Wer r u?? Pa2sok ka b?}
Nagtype ako para replyan ang text niya.
{Yep...}
Ang haba ng sagot ko noh?? Masanay na kayo tamad talaga akong magtext.
After ilang seconds nagreply naman si Lylle.
{Sarap buhay. D2 na kami studio. Lapit na start taping nila. Sunod ka?}
Nakalimutan kong today pala ang schedule ng taping ng banda para sa guesting nila sa isang talk show at after ng taping tuloy mall tour sila sa isa sa mga malls sa north ave.
Nagreply ako sa kanya na di ako makasunod dahil marami akong rereviewin na financial reports dahil ilang araw na rin akong wala. Buti na lang at yung assistant ko na ang gumawa ng mga reports at kailangan na lang ng approval ko. Over time ako nito malamang mamya. Poker face lang nireply sakin ni Lylle. Imbyerna na naman siya.
Isa pa hindi pa ako handang harapin si Lexell. Baka ipush na naman niya ang "Game" ko kuno. Iwas-iwas din pag may time...hehhehe
May isang text na pumasok pero this time not from Lylle na. Roaming number ni Raven ang nag-appear sa inbox ko. Ibig sabihin hindi pa siya nakakabalik ng bansa. Napangiti ako sa text niya.
{Gud morning..hav a great day ahead of u. MISS U!! }
Nagreply agad ako sa text niya, baka magtampo pag di ko sinagot nag effort pa naman siya.
{Gud eve...tnx Rave.take care..☺}
Gabi kasi sa kanila ngayon . Siguro nasa bahay na to. Napangiti na lang ulit ako.
BINABASA MO ANG
I'M AFRAID I'M FALLING FOR LEXELL ANTHONY GUEVARRA
Romance"Maybe I'm too late to be your first, but right now I'm preparing my self to be your last"....Laverne smiled mischievously.