Mabagal ang bawat paghinga ng kanilang mga katawan. Kasabay nun ang pagdampi ng napakalamig na hangin sa kanilang mga balat. Binalot ng purong kadiliman ang buong paligid ngunit isang mumunting liwanag ang nakasilay sa isang dako ng lugar. Kulay lila at pulang liwanag ang nagniningning. Isang maliwanag na pagkidlat ang nangyari."Nagsisimula na kailangan na nating mapigilan ito." wika ng isang nilalang.
"Sinabihan ko na kayo na hindi siya maaaring ibalik sa lugar na ito. Bubuhayin nun ang itim niyang pagkatao." may diing sabi ng isa pa.
Mataman siyang tinignan ng kasama. Iniiwasan man nitong magalit ngunit hindi niya ito maitago.
"Kapag hindi siya dinala rito mamamatay siya!" bakas ang galit sa boses nito.
"Pwede ba huminahon lamang kayo! Hindi yan nakakatulong!" inis na saad ng isang binibini.
Nagsunod-sunod na ang pagkidlat sa paligid. Unti-unti ding niyayanig ang kalupaan. Mabilis nilang inihanda ang kanilang mga sarili ng magbitak ang lupa. Mula sa kinatatayuan nila nagkabitak roon na humati sa lugar at nasa kabilang dako nun ang isang walang malay na bibibini na nababalot ang dugo at pinapalibutan ng malakuryenteng awra.
"Hindi!" akmang tatawid ang binata ng pigilan siya ng isa pang binata.
"Dito ka lamang! Delikado!" saway ng kasama niyang binata.
"Hindi ko siya pwedeng pabayaan! Nangako ako sa kanya na sasamahan ko siya sa lahat ng oras." may bahid ng pagsusumamo ang boses nito.
"Mawawala ka kapag tumawid ka at hindi magugustuhan ng magulang natin iyon,malulungkot si mama." pagpapaalala nito sa kanya.
Mapait itong ngumiti at inalis ang pagkakahawak ng kasama.
"Maiintindihan ako ni mama,at mahal ko siya kaya sasama ako sa kanya."
Binigyan niya ito ng huling ngiti bago tuluyang tumawid sa bitak ng lupa. Isang makapal na usok ang lumabas mula da bitak at kasabay nun ay ang paglubong ng kabilang bahagi ng lupa.
"ZEREN!"