SIMULA:
(San Lorenso, 1879)Halos mapasinghap siya nang magmulat ang kaniyang mata, madilim, masikip at may hindi kaaya-ayang amoy ang paligid ang bumungad sa kaniya. Habol niya ang kaniyang hininga habang unti-unting bumabalik sa kaniyang alaala ang nangyari.
Dinakip siya ng mga kastila, ikinulong sa isang tagong silid at pinahirapan, nakagapos ang kaniyang mga kamay paitaas upang hindi siya makalaban o maski makakilos man lang.
Puno na ng mga galos at dugo ang buong katawan ng binata. Gano'n din ang mga putik at pawis na halos lumigo na sa kaniyang katawan.
Mahigit limang oras siyang pinahirapan ng mga ito, napagod na lang ang mga ito sa pagpaparusa sa kaniya.
Gusto ng mga ito na umamin siya sa bagay na kahit kailan ay hindi niya naisipang gawin.
Hinahabol na niya ang kaniyang hininga at halos hindi na rin niya maidilat ang kaniyang mga mata. Tanging maliit na ilaw sa lampara lamang ang nagbibigay liwanag sa silid na kaniyang kinaroroonan.
Narinig niyang bumukas ang isang pintuan sa silid kung nasaan siya, pilit niyang idinilat ang mata kahit nanlalabo na, hindi niya maaninag kung sino ang naroon dahil tanging anino lamang ang kaniyang natatanaw.
"Te voy a matar estúpido filipino." (I'm going to kill this stupid filipino) narinig niyang usal ng isa sa mga ito.
Hindi man niya maunawan ang sinabi nito ngunit alam niyang may hindi magandang mangyayari sa kaniya.
Ilan pang sandali ay narinig niya ang pagkasa ng isang baril.
'Kung mayroon man nakakarinig sa akin ngayon, nakikiusap ako'y iyong ilayo sa kapahamakan, ako sa sitwasyon na ito, nais ko pang mabuhay.'
Piping dasal niya sa isip bago umalingawngaw ang tatlong putok.
***
Just This Time | SaviorKitty
BINABASA MO ANG
Just this Time
Historical FictionJUST THIS TIME | Short story Hindi inaasahan ni Natalia na may mas malala pa pala sa pag-aalaga at pagkupkop ng ibang tao sa kaniyang bahay, isang guwapong lalaki na hindi man nga niya kilala dahil galing daw ito sa taong 1879. _____________________...