ForMad Behind the Scenes presents...

736 44 25
                                    

ForMad Behind the Scenes presents…

Interview with Redder Black and Div Umbra Claymore

Host: Good evening vampires and vampires at heart! Alam kong first time itong mangyayari dahil ngayon lamang namin napilit ang dalawa sa mga star ng series na Forlorn Madness ni Direk_Whamba  para mag-sit in sa isang exclusive interview! Alam kong excited na kayo kaya ipapakilala ko na sila!

Ang unang guest natin ay kilala bilang masungit, mainitin ang ulo, pikon, pero guwapo at maangas na Shadow Lord na walang iba kundi si Div Umbra Claymore!

(Audience claps)

(The guest enters, a six-footer guy wearing casual clothes playing in the colors black and gray. His hair is tousled)

(The guest shook hands with the host and sat on the opposite couch)

And our next guest na nagsimula sa pagkakaroon ng minor role, ngunit dahil sa popularity niya at husay sa pag-arte, idagdag na rin ang physical assets ay naging isa sa mga powerhouse character ng series… Give it up for Redder Black!

(Audience claps)

(The second guest entered, the smiling 5’9er also in casual clothes)

(The guest also shook hands with the host and sat on the opposite couch next to the first guest)

Host: (Bumaling kay Div) Kamusta na, Div?

Div: (smiles) Mabuti naman po. Laging puyat dahil sa… alam niyo na po iyon.

Host: Ohohoho! Dahil laging gabi ang shooting ng ForMad, yes?

(Div nods)

Host: Napapansin kong masayahin ka off –cam. Malayong-malayo sa nakasanayan naming ikaw doon sa series. Kahit ako ay hindi makapaniwala ngayong kaharap kita. Tingnan mo, parang may mga kinikilabutan pa sa audience.

(The audience laughs)

Div: Ah… Sa tingin ko ay sakto lang naman. Masaya ako kapag masaya ang mga tao sa paligid ko. Nagagalit ako kapag may mga bagay na kagalit-galit… pero ang totoo niyan ay hindi ko na alam kung paano makikitungo sa kahit kanino simula nang tinanggap ko ang role sa series. Bumaligtad na ang mundo ko. Marami ang kinikilig o natutuwa kapag napipikon ako at nagagalit, tapos marami namang nagugulat kapag tumatawa ako.

Host: Oo, nga! Isa iyan sa mga dilemma! Hahaha! Pero paano mo naman pinaghandaan ang role bilang si Shadow Lord?

Div: Dati nu’ng bago pa lang ako sa ForMad, madalas akong mag-sorry kay Direk Whamba dahil napaparami masyado ang take ng isang scene. Hindi ko kasi mapigil ang tawa ko minsan lalo na kapag sobrang lalim ng mga dialogues ko. Though wala namang nakakatawa sa mga sinasabi ko, pero kapag napapatingin na ako sa mga co-actors ko, the look on their faces, ayun na po. Pero syempre, habang tumatagal ay nasasanay na rin ako sa pormal na pananalita. Kahit sa bahay nasanay na sila na malalim na ako magsalita.

ForMad Behind the Scenes presents...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon