HELLO! Bago po ang lahat, kung pamilyar ka sa eksenang ito eh malamang isa ka sa mga nakasaksi nito sa tunay na buhay. Medyo based po ito sa tunay na buhay. Yung ibang eksena ay hango sa tunay na pangyayari. Pinaltan ko lang yung mga names. HAHAHA. Daldal ko, ge shut up na ko.
Enjoy!
PART ONE
FRIENDZONED.
Naranasan mo na bang mag mahal ng patago? Yung tipong ikaw lang ang nakakaalam. Yung wala kang mapagsabihan. Yung kilig na kilig ka na pero kailangan mong mag pigil dahil baka mahalata.
Sabi nila, kung magmamahal ka ng patago kailangan mo nang ihanda ang sarili mong masaktan. Walang makakaalam na nasasaktan ka na pala. Kailangan mong mag panggap na okay lang kahit may iba syang kayakap at kahalikang iba.
Kahit selos na selos ka na kailangan mong kumalma. Dahil ang alam nya, kaibigan ka lang.
Kaibigan lang.
--
"Ang emo teh!" komento sakin ni Cael. Tignan mo to! Ansarap pektusan! Emo agad?! Eh ayan naman talaga theme ng publication ngayon!
"Che! Tumigil ka nga! Ayan po talaga theme namin ngayon noh!" binabasa nya kasi yung gawa ko sa publication. Yup! Part ako ng pub!
"Oh sorry na. Sige na! Babush na muna gerlay!! Flysasung na muna akez ah. May meeting pa ang SC!" at umalis na nga si Cael kaya naiwan ako mag isa.
Di ko talaga maintindihan yung babae na yun! Daig pa ang bakla. Kumain na lang ako ulit pero bago ko pa man isubo yung sandwich ko eh may tumawag saakin.
"Tibs!"
Umupo na sya sa tabi ko. Haaaay! Eto nanaman po tayo! -.-
"Ano?! Bakit?" tanong ko sakanya.
"Tibs! Samahan mo ko!"
"Saan naman?!"
San na namang peligro ako dadalhin nito?
"Basta! Tara!!!" Sabay hila sakin!
"Nagmamadali?! Tekaa! Yung gamit ko!"
Bwisit talaga to!! Pero parang wala syang narinig kasi hila hila nya padin ako. Take note: Sa braso nya ko hinihila. Hindi sa kamay. -.-
Nakalabas na kami ng school pero hinihila nya padin ako! Di nya na ako kailangang hilahin!!
Sasama naman ako eh. :"> Malandi ka Darie! Hahaha.