Chapter 27 (Pag-iwas)

166 5 0
                                    


Nang makarating sa pwesto ay mabilis na inabala ni Venus ang sarili. Napadaan sina Red kasama si Selya sa pwesto nila pero hindi man lang nag-abala na tingnan ni Venus ang dalawa.

"Uy Marcelo saan ang punta mo?" tawag ni Jelay.

"Tutulungan ko lang saglit si Selya may sira na naman daw kasi ang pwesto niya."

"Naku! Gusto ka lang landiin niyan" bulong ng dalaga.

Naramdaman ni Venus na tinitingnan siya ni Red nang pag-angat niya ng tingin nakatitig nga sa kanya ang lalake. Umiwas siya ng tingin rito.

"Ligaya, nag-away ba kayo ni Marcelo?"

"At bakit naman kami mag-aaway?"

"Aba malay ko napansin ko lang na hindi kayo nagkikibuan" ani Jelay.

"Si Selya ba ang dahilan?" usisa ni Anna.

"Hindi,walang kinalaman si Selya. Basta 'wag na muna natin pag-usapan."

Nagfocus na lang silang tatlo sa trabaho. Ayaw na rin nina Anna at Jelay na ungkatin pa kung anuman ang naging dahilan ng walang kibuan ng dalawa.

=================================

Talagang iniiwasan ni Venus ang binata at aminado naman rito si Red.

"Nag-away ba kayo ni Ligaya?" naitanong ni Selya.

"May hindi lang pagkakaunawaan."

"Paano mo ba natagalan ang pagiging manang ng asawa mo?"

Gustong matawa ni Red sa sinabi ng babae pero pinigil niya ang sarili. Kung alam lang ni Selya,she always walk class.

"Para sa akin hindi naman siya manang. Kahit ano pa ang suot niya maganda parin siya."

Nakita niyang napasimangot ang babae hindi lingid kay Red ang pagkakagusto sa kanya ni Selya pero hinahayaan niya na lang.

Madilim na nang makauwi si Red sa kubo nila. Tumulong pa kasi siya kina Ka Berto sa pagkukumpuni sa isang cottage sa resort.

Pagkarating niya sa dampa ay wala si Venus. Nakita niya ang wallet nito sa kama. He opened it. Nakita niya may litrato ito nakaipit doon. It was Venus noong Thea Ignacio pa ang pangalan nito.

Simple lang manamit ang babae hindi nagkakalayo sa itsura nito ngayon bilang Ligaya.

Sa picture nakangiti ito kaya mas lumutang ang simpleng ganda nito. Naikuyom ni Red ang kamao sa galit kay TJ para gawin ito sa dalaga. Hindi lang kasi nito inalisan ng ngiti si Venus kundi tinaniman pa nito ng galit ang puso ng babae.

Hinanap niya si Venus sa likod bahay pero wala ito hanggang sa nakarating siya malapit sa dalampasigan. Doon niya natagpuan ang babae.

Habang hinihintay ni Venus si Red ay naisipan niya na lang muna maglakad lakad sa tabi ng dalampasigan.

Hindi naman full moon pero hindi naman ganoon ka dilim sa labas.
Inilabas niya ang cellphone para tawagan ang ina.

"Hello? Athena?"

"Magandang gabi mom."

"Sabi sa akin ng daddy mo ay nasa isang isla ka raw?"

"Yes mom isang isla ho dito sa Palawan."

"Hindi ka ba nahihirapan dyan? Ayos ba ang tirahan mo dyan?"

"Oo naman po. Ipinagrenta ho kami dito ng maliit na bahay ni Mr.Oh."

"Wala naman bang masasamang tao riyan?"

"Wala naman mom actually mababait ho silang lahat. They also welcome us in there small barangay."

"Good, call me if you need anything. I'll send it to you immediately Athena."

"Thanks mom pero ayos na ayos ho ako rito. Ang ganda naman ho kasi ng lugar rito tila nasa paraiso ka. Kapag natapos na ang misyong ito at ayos na rin sa Agila ipapasyal ko kayo ni dad at ni Zeus rito."

"Speaking of Zeus he wants to talk to you Athena. Zeus halika na kausapin mo na ang ate mo" tawag ng ina sa kapatid niya.

"Hi sis. Are you fine?"

Pinigil ni Venus ang mapahikbi, pagdating sa pamilya niya nawawala ang pagiging siga at lumalabas ang pagiging Thea niya.

"Of course I am. Anong akala mo sa akin brat? Nag-aaral ka ba naman ng mabuti dyan?"

"Yup! I'm a good boy here. Anyway when will I see you?"

"Soon."

"Soon? Really? Well I just need to tell you that we will be having our rematch sister."

"Hahaha magpractice ka na brat baka makakabili ka na naman ng icecream."

"Wanna bet?"

"Whatever! Pakibalik ng phone kay mom please."

"Yes,anak?"

"Mom,tatawagan ko na lang kayo ulit."

"Sige ingat ka dyan."

"Yeah I will."

Realization hits her. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya napakabuti parin ng Diyos sa kanya binigyan siya nito ng bagong pamilya na uuwian niya.

Malamig ang simoy ng hangin na nanggagalling sa karagatan.Tinanggal ni Venus ang tali sa buhok and let her hair sway from the air.

Malayo naman sa mga kabahayan ang lugar kung saan siya kaya naengganyo si Venus na maligo sa dagat.

Hinubad niya ang suot na duster at inilagay sa malaking bato. Sumisid siya sa tubig. Nang umahon siya nakita niya si Red na nakaupo sa malaking bato.

"What are you doing here?" sita niya rito.

"Hinanap kita wala ka kasi sa bahay."

"Okay. Ngayon nakita mo na ako pwede ka ng umuwi" she said in a cold tone.

"Venus can we talk?"

"We were talking."

"No I mean. I am sorry sa nangyari kanina. Alam ko ang nangyari sayo sa kamay ni TJ pero muntik na naman kitang angkinin."

"Buti alam mo."

"Alam ko Venus pero gusto ko lang sabihin na magkaiba kami hindi ko magagawa ang ginawa niya sayo."

"(Sigh) Kilala kita Red so hindi mo na kailangan i-explain ang sarili mo. Alam kong magkaiba kayo ni TJ. Sa tagal na magkasama tayo sa trabaho ay napatunayan ko na mabuti kang tao."

"Then why?"

"Anong bakit?" she was dumbfounded.

"Bakit mo ako pinigilan kanina?"

Tiningnan ni Venus si Red saka tumawa.

"Hey don't just laught at me."

"Ikaw naman kasi para kang bata na hindi pinagbigyan. Paano ka kaya natagalan ni Louise."

"Louise is very understanding."

Habang binabanggit ni Red ang pangalan ni Louise ay wala na ang sakit na nararamdaman niya noon ibig bang sabihin nakamove-on na si Red?

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon