C H A P T E R : 1
“SUNOOOOOOOOOOG!!!!!”
Nataranta ako sa sigaw ng napakabait kong bestfriend na si Yumi. Ganyan nya talaga ako gisingin tuwing nagmamadali sya.
“Kahit wala? Gising na ako, kanina pa. Hinihintay ko lang sigaw mo.” Sabi ko sa kanya. Habang umiirap.
Ang daming paraan ng pag-gising bakit yung sisigaw pa ng sunoooog!!! Psh -_-
“Mabuti naman kung ganun! Hala sige, tumayo ka na jan at may isang oras ka na lang para mag-ayos dahil late na tayo!” Sabi nya habang nakapamewang.
“Opo mommy!” Sabi ko sa kanya.
Inirapan nya lang ako at lumabas na ng kwarto ko habang ako naman paupo pa lang sa kama, tumingin ako sa table clock ko kung anong oras na. 5:30am na pala, kailangan na maligo. Malapit lang yung bago naming school pero syempre mas maganda nang maaga, kesa late. First day namin eh.
Ako nga pala si Rain Park 18 years old half korean half filipina ako, pure pinoy ang daddy ko at ang mommy ko naman pure korean pero marunong magtagalog. Natural na kulot yung buhok ko, kulot talaga as in KULOT, pero wala pang nang-aasar sakin dahil lang sa kulot yung buhok ko. Maganda naman kase yung pagka-kulot nya, dark grey yung mata ko, hindi ko nga alam bakit ganun kulay ng mata ko eh, pero yaan mo na maganda naman e. Pinanganak ako sa Seoul, South Korea, tapos nag-start ako mag-aral nung nasa Cali pa kami. Inasikaso kase ng parents ko yung business namin dun for almost 2 years. Hindi ako lumaki na laging andyan ang parents ko sa tabi ko, meaning, ang lagi kong kasama at tumayo na bilang second parent ko ay ang aking yaya. Ni minsan hindi ko sya tinawag na yaya, ang tawag ko sa kanya mama kase sya yung laging kapalit ni mommy kapag laging may business project yung kumpanya namin. Kung gusto nyong malaman kung may kapatid ba ako, ang sagot ko ay WALA. Gustuhin ko man pero ayaw na nila mommy and daddy, kase ako pa nga lang daw hindi na nila maasikaso e. Tapos magdadagdag pa ng isa edi kawawa naman yun. Masyado daw kase silang busy sa business namin at hindi daw pwedeng pabayaan yun kaya eto ako, inangkin ko na bilang kapatid yung bestfriend ko na si Yumi. Take note, hindi lang basta kapatid ang turing ko sa kanya, KAMBAL ang turingan namin. Kung anong meron sya, meron din ako. Kung anong meron ako, dapat meron din sya.
Kababata ko si Yumi, family friend namin yung mommy and daddy nya. Business partners din sila ng parents ko. Mayaman sila Yumi kaya kahit anong gusto nya binibigay ng parents nya. At tsaka only child lang din sya kaya ganun na lang sya ka-spoiled.
Yumi Jang 18 years old pure Korean sya. Kulot din yung buhok nya pero mas kulot yung sakin. Parang wavy lang yung sa kanya. Greenish naman yung mata nya, at hindi nya din alam kung bakit ganun. Parehas kami ng hospital kung san kami pinanganak. Magkasunod din yung birthday namin. February 14 ako, sya naman February 15. Pero minutes lang yung agwat ko sa kanya kase 11:58pm ako lumabas sa kay mommy tapos sya naman 12:01am sya lumabas sa mommy nya. Galing noh? At dahil nga super close ang parents namin parehas ang nangyari saming dalawa. Sa states din sya nag-umpisang mag-aral kase nga magkakasama yung parents namin sa business. Wala syang yaya kase si mama na din yung tumayong second parent nya. Tutal lagi naman kami magkakasama kaya hindi na sya kinuhaan ng yaya. Mama din tawag nya sa yaya ko. Busy kase masyado ang parents namin sa sinasabi nilang bonggang business eh.