Chapter 1

7 0 0
                                    

Naranasan mo na ba habang lumalaki ka bukod kang pinagpala sa lahat hindi ka naman kagandahan kaitiman pa tabatsoy pa sa lugar niyo naman hindi naman tabain ang mga bata bukod ka na pinagpala sa lahat ng bata ang iba babad na sa initan at dagat sa probinsya ikaw na lage lang sa loob ng bahay maitim pa rin. Tampulan ng tukso,walang kasabay maglakad pauwe kasi binubully ka lage walang talent di katalinuhan,matigas ang katawan isang beses sumali ka sa sayaw tinanggal ka kasi dika naka attend ng practice eh ang layo ng pag pa practisan dalawang baranggay pa dadaanan...

Buti nalang me TV na kayo ng mga panahon na yun kaya kahet wala makalaro okay na nagmamadali pag uwe kasi para makaabot ng slumdunk can't afford ang cable eh dalawang chanel lang ang meron malabo pa ang isa.

Medyo tumalino ka naman katagalan nakakuha ng honor pang 6th nga lang merong medal bagong tahi ang uniform mo sa graduation mo pati blouse bago pati sapatos bago rin...aakyat ka ng stage ang nanay mo meron din kinontrata na photographer.

Masaya ang buhay elementary pinakasimple sa lahat...pagka uwe bg bahay bantay lang ng kapatid mag igib magluto manood ng tv...matulog gumising magluto kumain maglakad papasok sa school...

Walang complications masyado...ang buhay mo iikot sa cartoons,movie ni rico at claudine kung naabutan muna ang starts truck mag fan girl ke Jennylyn Marcado diba?  

Nakatago sa BaulWhere stories live. Discover now