Chapter 27 - Freya

1.2K 49 0
                                    

Freya's P.O.V

Matapos kong makita na nagperform si Danreb sa taas ng entablado at sa harap ng madla ay natuwa ako dahil alam kong masaya na siya sa nabuo niyang pamilya, ayon na rin sa sinabi niya sa intro niya kanina.

Nasaktan ako nung sinabi niya yun dahil ang akala ko ay ako parin, ako parin ang tinitibok ng puso niya pero hindi, hindi na. May sarili na siyang pamilya at base sa nakita ko mukhang masaya siyang kasama ang mga ito.

Habang nanonood ako nun sa performance niya ay nagtagpo ang aming mga mata.

Ewan ko kung bakit at pano? Pero nakaramdam ako ng sakit at pagkalungkot. Kaya mas pinili kong lumayo na sa lugar kung saan sila nag co-concert.

Patakbo akong umalis. Ng mapagod ako ay nakita ko ang isang bench na napaka-memorable para sakin dahil dito kami unang nagtagpo ni Danreb, at dito niya rin ako nabastos non. Ha-ha.

Habang inaalala ko yung mga nangyari satin, hindi ko maiwasang malungkot at maluha.

Napayuko ako dahil gusto ng kumawala ng mga luha galing sa aking mga mata, na kanina ko pa pilit pinipigilang tumulo.

Ilang segundo pa ang lumipas na ganun ang posisyon ko habang umiiyak ng may maramdaman akong may tao na nakatayo sa harap ko.

Nagpapakiramdaman lang kami hanggang sa tumabi na siya sa tabi ko at ilang sandali pa ay naramdaman ko ng hinagod niya ang likod ko.

Dahil sa ginawa niya ay nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Parang ang sarap na maramdaman na may humahagod sa likod mo kapag umiiyak ka at malungkot ka.

Ilang sandali pa ay tumigil siya sa paghagod. Nagtaka ako kung bakit? Kaya pinili kong iangat ang paningin at tingnan kung sino ang taong humagod sa likod ko.

Pag-angat ko ay nagulat ako sa taong nakita kong nasa harapan ko, si... si Danreb.

Base sa itsura niya ay umiyak rin ito, sa hindi ko alam na dahilan. Nagkatitigan kaming pareho at parehong hindi alam kung anong gagawin.

Hanggang sa binasag niya ang katahimikang namamagitan saming dalawa.

'F-freya? I-ikaw... na ba.. talaga y-yan?' tanong niya habang nabubulol.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko,  gusto ko siyang yakapin dahil sa sobrang pangungulila ko sakaniya ngunit hindi. Dapat hindi. Kailangan niya munang maranasan ang mga naranasan ko noon.

Ang hirap ng pinagdaanan ko noon, dahil mahigit isang taon akong na coma dahil sa sobrang nabugbog ang brain ko at sobrang baba ng chance para maka-survive. Pero sa awa ng Diyos, success naman ang operasyon. Mahigit 2 buwan pa ang ginugol ko sa loob ng Hospital para makapagpahinga at makabawi ng lakas...

Wala akong maalala nung nagising ako. Ni maging mga magulang ko ay nakalimutan ko. Ang sabi ng Doctor ay nagkaroon ako ng Amnesia dahil sa aksidenteng iyon, dahil sa sobrang nadamage ang utak at marami akong nasayang ng dugo kaya kailangang salinan ako ng dugo para makapagrecover ako..

Ilang buwan pa ang ginugol ko para unti-unting makapag-adjust na back to zero na talaga ng memory ko, kaya kailangan kilalanin ko silang lahat. Sina Mama, Papa, Ate, at si Austin.

Si Austin ang tumulong sakin para makaalaala ng nakaraan, sa bawat araw na magkasama kami ang parati naming pinag-uusapan ay ang nakaraan ko. Hindi siya napagod kakapaliwanag sakin kahit minsa'y hindi ko nakukuha lahat pero hindi siya sumuko at inayawan ako. Nandun parin siyang tumutulong sakin.

Hindi alam nila Mama at Papa na naalala ko na ang nakaraan. Si Ate alam niya dahil ka kontyaba niya si Austin sa pagpapaalala sa aking nakaraan. Nung una ay ayaw nila akong tulungan para makaalala ulit ngunit one time, nasa bahay ako at naglinis ako ng bahay namin ng may maligpit akong litrato na nakaipit sa isang libro sa cabinet nina Mama at Papa. Pagtingin ko sa litrato ay nakita ko ang sarili ko na nasa picture habang may kasamang lalake. Ng makita ko ang mukha niya ay biglang sumakit ang ulo ko dahil iniisip ko kung sino siya at bakit kasama ko siya sa litratong ito.

Memories Afterall (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon