THE GOOD SAMARITAN
Narrator: Halina’t at ating tunghayan ang dula-dulaan na ginawa ng pangkat ikalawa.
Isang araw sa paaralan ng GreenFields, may dalawang estudyanteng tila may sarili silang mundo.
Jeff: psst.. Lyn…Lyn (sabay lingon ni Lyn) tara na..
Lyn: diba may quiz pa tayo mamaya?
Jeff: oo, pero quiz lang naman yan eh, tara na cutting nalang tayo.
Lyn: ay sige tara na..
Narrator: at umalis na ang dalawang estudyante…
Ang dalawang estudyanteng ito ay papunta sa isang lumang gusali at medyo malayo sa mga tao.
Maya maya pa dumating na sila sa lumang gusali.
Lyn: oh nandito na tayo, akala ko ba may ipapakilala ka saakin?
Jeff: mamaya, dadating na sila.
Oh! ayan na pala sila eh.
(papasok si echo at Solomon sa room at hahampasin ni echo ang blackboard)
Echo: sino yan jeff?
Jeff: si Lyn nga pala.
Paul: gumagamit bayan?
Lyn: hindi pa ako nakakagamit pero naninigarilyo ako.
Echo: dahil sa nandito kana, magiging parte kana ng grupo naming, paul bigyan mo na iyan.
(sabay abot kay lyn ng weeds)
Narrator: kinabukasan
pumasok si Jeff na lango pa sa alak.
Dianne: (mangiyak ngiyak) ano ba jeff!!! Buhay ka pa nga, pero unti unti mo ng pinapatay ang katawan mo.
Jeff: bitawan mo nga ako Dianne, wala kang paki alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko.
Dianne: (sinampal si jeff) may paki alam ako sayo dahil kapatid kita at hindi mo ba man lang naisip ang mga magulang natin ?kung ano ang mararamdaman nila kung malalaman nila ito?
Narrator: biglang natauhan si jeff sa sinabi ng kapatid. Biglang nakaramdam si Jeff ng awa para sa mga magulang nilang pawang matatanda na.
Simula nun, unti unting sinisikap ni jeff ang pagbabago sa buhay niya alang alang sa mga magulang nila.
Samantala si Lyn naman ay nalulong sa droga.
Lyn: ano ba itong ginagawa ko sa buhay ko?(habang nakatingin sa weeds)
Rea: alam mo bang nalulung din ako sa droga dati?
Lyn: paki ko sayo.wag mo nga ako kausapin.
Rea:ok lang kahit ayaw mo akong kausapin, mag kwekwento lang ako sayo.
Narrator: habang nagkukwento hindi niya maiwasang maiyak.
Samantala si Lyn ay parang natatamaan sa mga sinasabi ni Rea. Kalaunan napatango ito bilang kasagutan sa tanong ni Rea.
Lyn: (tatango) oh sige po.
Narrator: samantala, ang mag pinsang Echo at Paul ay pinagpapawisan ng husto dahil sa gagawin nila.
Echo: ano? Handa kana?
Paul: medyo kinakabahan ako, parang may mangyayari na hindi maganda.
Echo: wag mo na iyan isipin, ang importante ay mayroon tayong pambili ng weeds.
Dun ka sa babaeng nakatalikod ako dun sa lalaking nasa gilid niya.
Paul: oh sige.
Narrator: nang makapwesto ng magpinsan, pasimple ng naghahanda si paul para nakawin ang aparato ng babae.
Dianne: hello babe… ah oo.. nasa bus na ako, papunta na a… (sabay hablot ni paul sa cellphone tas takbo, si echo dinudukot ang wallet ni jeff sabay lakad ng mabilis.) agh!!!!! May magnanakaw!!!
Narrator: habang ang ibang tao ay nakatutok ang atensyon nila kay paul, si echo naman ay pasimpleng dinudukot ang wallet ng lalake at nagmamadali ng umalis.
Dahil sa pagmamadali niya, hindi niya napansin ang mabilis na takbo ng sasakyan. Nabangga si echo.
Paul: (lilingon kay echo na nakahiga na) echo? Echooo!!!! (pasigaw na sasabihin.) tulungan niyo po kami!!! (mangiyak ngiyak na pagkasabi)
Narrator: dahil sa sigaw ni paul, dun natauhan ang driver at saka nito pinasakay sila paul sa sasakyan nito para dalhin sa hospital.
Pagkarating sa hospital
Paul: (magdadasal) alam ko pong wala akong karapatang humingi ng tulog dahil sa kasamaan naming pero nagmamakaawa po ako, sana buhayin niyo ang pinsan ko po, wala nap o akong kasama sa buhay. Siya nalang ang natitira ko pong kamag anak, iligtas niyo po siya , nangangako po ako na ititigil ko nap o ang mga masama naming Gawain.(naiiyak)
Narrator: habang taimtim na nagdadasal si paul ay hindi niya napansin ang paglapit ni rea sa tabi nito.
Rea: alam mob a ang madalas napakikipag usap sa diyos ay paraan para gumaan gaan ng problemang dinadala mo.
Paul: ………
Rea:ako nga pala si Rea, gusto mo bang makarinig ng isang kwento?
Paul: wala akong oras para makinig ng kwento
Rea: ok lang kahit ayaw mong pakinggan pero, magkukwento parin ako.
“May isang batang babae na ulila na sa magulang, wala na itong ibang kamag anak kundi ang kaniyang tiyuhin niyang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot. At sa murang edad ay natuto na itong magbisyo ng dahil sa kanyang tiyuhin na pinipilit siyang mag droga. Kalaunan ang batang babae ay nalulong na sa mga droga.
Hanggang sa magdalaga na ang babae bumukod na ito ng bahay sa tiyuhin nito dahil sa kakaibang kinikilos ng matanda. Naging palaboy laboy ang babae. Gumagamit parin ng droga. Hanngang sa wala na siyang pambili ng droga, nagnanakaw na siya. Halos araw araw ganyang ang buhay niya,hanggang sa nahuli ito ng pinagnanakawan nito, pero imbis na isumbong ito ng pinagnakawan nito sa mga pulis, binigyan pa siya nito ng pera, pero may roon silang kasunduan. Hindi magsusumbong ang matanda sa mag pulis basta ang perang ibinigay rito ay gagamit niya sa mga pangangailangan nito. At dahil sa katakot ng babae na makulong eh ginawa niya ang sinabi ng matanda… lumipas ang mga araw,buwan, taon ang babae at ang matanda ay lagging nagkikita at lagi siyang tinitulungan. Kinalaunan, kinupkop siya nito at itinuring na sariling anak. Hanngang sa pumanaw na ang matanda, ipinamana niya sa babae ang kanyang mga ari arian.”
Paul: nasan na ngayon ang babae? Bumalik ba sa pag dodroga?
Rea: hindi, dahil nangako ang babae na ang perang natanggap niya ay itutulong niya sa taong naging kapareha ng kapalaran niya noon.
Paul: asan na siya ngayon?
Rea: nasa tabi mo,
Paul: ikaw?
Rea:oo ako nga, handa akong tulungan ka, basta handa kang tulungan ang sarili at ang pinsan mo na magbago.
Paul: pinapangako ko, kakayanin naming magbago.
Narrator: parang na sesense naman ni Rea na totoo ang sinasabi ni paul na pipilitin niyang magbago. Hindi na nagtubiling tinulungan ni Rea sila paul at echo.
Lumipas ang ilang araw ay gumaling na si echo.nangako na rin si Echo na pipilitin na rin nilang magbago.
Nang makalabas sila ng hospital ay naghanap sila ng trabaho para ipangbayad kay Rea, ayaw man tanggapin ni Rea ang bayad, ang ginawa niya lang ay naghanap siya ng bakanteng pwesto sa mga company nila. Ng makahanap ay ipinasok na niya ang dalawa. Sa paglipas ng panahon, si Lyn ay nanirahan na sa piling nan g magulang niya at si Jeff naman ay inaalagaan ang mga magulang nila at sina Paul at Echo ay tumiwalag na sapag gamit ng droga at naging maayos na ang magulo nilang buhay noon.