one

63 9 17
                                    

Ting

tunog ng wind chime sa flowershop
Na pagmamayari namin ng bestfriend ko
Napatingin nalang ako sa pintuan
Kasabay non ay ang pag tibok ng puso ko

"a-ahhhmm good morning!" kinakabahan kong bati

"good morning boss" nakangiting bati ni kyron

"anong boss,sabi ko naman sayong wag mo na akong tawaging boss ehh aist, loko ka talaga" nahihiyang saad ko kay kyron

Noong first year high school ako ay naging kaibigan ko na si ky nakilala ko si ky dahil kay krysh. Dahil kapattid nya ito

Kung hindi kay krishna ay hindi ko makikilala ang pinaka mamahal ko .kaso hanggang kaibigan lang ang turing nya saakin,ano pa nga ba, sa hitsura kong to?

Alam ko namang maling umibig sa kaibigan mo, lalo na kung di ka gusto nito at meron pa syang nobya
Huhhuhuh kawawa naman ako
Kawawa naman tayong mga na friend zone

---------------
"Maganda naman ako, seksi, maputi, mabait at mayaman bakit hindi ako nagustuhan ng kuya mo huhuhu"
Naiiyak kong saad kay kryshna

Kryshna Guiverra varsity player ng volleyball team sa GRU o tinatawag na Grand Ridge University isa rin sya sa hinahangaan ng ilang mga kalalakihan hindi lang dahil sa napakaganda nitong muka,defined lips, cat eyes, pointed nose and heart shaped face, model din sya ng isang sikat na modeling agency .and last Kapatid sya mg nagugustuhan kong lalaki na si Kyron Guiverra

Naubo naman si krysh  "ehem ehemmmm besss, Gabby tumingin ka nga sa salamin nahiya naman ang damit ng lola ko noh" natatawa nyang sabi

"grabe ka naman bes, ok naman tong suot ko ha!" naka pout kong sabi habang tinitignan ang aking sarili sa
Full size body mirror

"bes seryoso ka ba, tsaka dapat mag contacts ka nalang para hindi ka naman mukang losyang" sabi nya sabay flip hair

"hay naku bes, ok na itong suot ko kesa naman parang kinulang ng tela ang isusuot ko, tsaka ayoko ng contacts mahapdi yun sa mata" ayokong mag mukang pulubi sa mga tao, baka pagtawanan nila ako pag nag suot ako ng kinulang na tela noh, tsaka ayoko mag contacts hindi ako marunong mag lagay hehe

"tawag kasi dun tiis ganda,syempre titiisin mong mag suot ng 10inch heels para maganda ka sa paningin ng mga papables"

Hayys ok na ako sa suot ko noh
Pants at xxl na tshirt at sweater flat shoes at eye glasses

Sa tingin ko ay matino naman tong suot ko. Hindi katulad ng kinulang sa telang mga dress

"tiis ganda pa kayong nalalaman, matino naman itong suot ko hindi naman ako mukang losyang" naka pout kong saad

"bes dapat kasi sumunod ka sa uso para bongga, may itsura ka naman ehh.sigurrado akong magkakandarapa ang mga lalaki kapag nagpaganda ka  oha pak ganern"parang bakla nyang sabi "wala naman akong pake sa mga lalaki dyan sa tabi eh" gusto ko kay kyron lang hihi

"sigurado akong magugustuhan ka rin ni kuya"saad ni krish kaya naman ay namula ako

"osya bes mauuna na ako, kitakits nalang bukas, sabay tayo pumasok ha! " paalam ko, tutal
Tapos na kaming mamili ng mga gamin namin sa pasukan

"uhmmm, wag kang mag alala. Darating din yung tamang lalaki sayo,para sakin maganda ka Gabby, di lang nakikita ni kuya. Iba kasi type nun ahehehehe"

"goodnight Gabby babes haha"niyakap ko sya ng mahigpit at nag paalam na din

Tumango nalang ako sakanya

Nag pasundo na rin ako sa driver namin para makapagpahinga na ako

Habang nasa kalagitnaan kami ng kalsada ay napaisip ako =3=

Kailan kaya ako magugustuhan ni kyron

Ah naalala ko may girlfriend na nga pala sya kaya hinding hindi nya ako magugustuhan. Girlfriend lang naman, di pa naman asawa eh.aja may pag asa pa.

Meron..... Diba?...

Napangiti nalang ako ng mapait

Sana ako nalang ang mahalin nya napabuntong hininga nalang ako dahil sa kung ano anong naiisip ko

Kulang lang siguro ako sa tulog

-----
Sorry sa typo tsaka paki vote narin po hehe xoxo (。'▽'。)♡

Ahhh pashout out nga po pala kay lale_120

Nerdy's Infatuation  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon