"WELCOME BACK BRUHA KA!!! Marami kang utang na kwento sa akin! Hindi kita nakausap ng matino mula nung anniversary niyo at nitong mga nakaraang araw at ngayong andito ka, I demand for your stories and such!!!" Salubong sa kanya ni Silver pagkapasok pa lang niya ng opisina nila.
Binigyan niya ito ng hindi makapaniwalang tingin. "Ganyan talaga ang salubong mo sa akin? Oh how sweet." Matabang niyang saad na may halong sarkasmo.
Tama ito, dahil sa nangyari sa party ay hindi man lang niya nakausap ng matino si Silver.
Hinampas siya ni Silver sa braso saka siya inirapan. "Oh c'mon. Wag mo kong artehan na bruha ka kung ayaw mong makurot sa singit. It's your fault! Hindi kita ginulo these past days para magsolo kayo ng asawa mo pero dahil nandito ka na guguluhin kita at hindi kita titigilan hanggang sa ibuka mo yang bibig mo. "
Maine rolled her eyeballs. Hindi talaga siya titigilan ng kaibigan. Mukhang kailangan nga niyang sabihin ang lahat lahat dito. Well Silver is her bestfriend.
Maine started to talk. Sinabi niya ang lahat sa kaibigan. Ang nangyari sa bar one year ago, ang tungkol sa lalaki sa party nila ni Heaven, kung paano sila nagkabalikan. Everything!
Syempre maliban dun sa nangyari sa kanya nitong nakaraang araw. That's just so embarrassing. It's 14 day to be exact, tama! Two weeks nga! Hindi siya makalakad ng maayos mula ng mangyari sa kanila ng kanyang asawa.
Heaven even called a doctor to check on her dahil kinagabihan ay nilagnat siya. Nang magising siya kinabukasan ay guilting mukha ng kanyang asawa ang kanyang nabungaran.
Despite being the new CEO of Ortega Corporation, hindi ito pumasok sa trabaho para lang alagan siya. It took her 12 days to heal, pinilit niya ang asawa na pumasok na sa trabaho pero tumanggi ito. Kailangan daw siya nitong alagaan dahil kasalanan daw nito kung bakit hindi siya makalakad ng maayos.
Muli nitong pinatawag ang doctor para tingnan kung maayos na talaga siya bago siya nito pinayagang pumasok sa trabaho. And here she is.
Tahimik lang si Silver matapos siyang magkwento. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksiyon mula sa kaibigan. She expects her to talk non stop but she remained silent for a couple of minutes before Silver say something. "I'm sorry." Anito sa mababang boses.
Kumunot ang noo niya sa tinuran ng kaibigan. She's sorry? For what? "Bakit ka nagsosorry?"
"If it isn't because of me, you shouldn't have suffered. Kung sana pala hindi kita inayang magbar at magpakalasing ng mga oras na yun, di sana wala kayong naging problema ng asawa mo. I'm sorry Ami, I'm such a bad influence to you. I'm so sorry." Anito na bakas sa mukha at boses ang pagsisi.
Hindi niya alam pero natawa siya sa inakto ng kaibigan. Silver glared at her. "What are you laughing at Ami? I'm serious! Nagdradrama na nga yung tao pinagtatawanan mo pa. " Nakangusong saad ni Silver habang masamang nakatingin sa kanya.
Pinigilan niya matawa sa inakto nito pero hindi niya kaya. Maine laughed her heart out. "Sige lang Ami. Laugh at me till you run out of oxygen! Kabagan ka sana."
"Pffft. I'm sorry Ami. Ahaha. Pinigilan ko ngang matawa eh pero di ko talaga kaya. You're just so cute when you're sorry." Natatawang saad niya sa kaibigan.
Nang-eeskandalong yinakap ni Silver ang sarili saka di makapaniwalang tumingin ito sa kanya na siyang ikinatigil niya sa mahinang pagtawa. Tinaasan niya ito ng kilay. "Ami ha! Don't tell me nagkakagusto ka na sakin. Sorry ka na lang dahil kahit kaibigan kita hindi ko kailangan ng sayote okay? Talong ang kailangan ko kaya si Micheal pa rin ang pipiliin ko."
BINABASA MO ANG
I'm the Wife of the Demon
General Fiction*NOON* He's my BOYFRIEND. He's SWEET. He's a GENTLEMAN He's my WORLD. *NGAYON* He's my HUSBAND. He's RUDE. He's HEARTLESS Yet He's still my World. MARTYR? That's her alright. She hated herself for what happened . Nang dahil sa isang pagkakama...