"Pagdating sa pag-ibig ayaw ko ng sakto lang, ang gusto ko yung pag-ibig na nakakawasak ng pagkatao. Mas gugustuhin ko nang magmahal ng tunay, magmahal ng EXTRA kaysa sa nagmahal ka nga hindi mo naman tinodo 'di ba? Para saan pa?" - Olga Andrea Mart...
I look at the picture of the happy couple while tears are streaming down my face. I cry for the happy faces smiling back at me. I touch the face of the woman who thought she held the hand of the man who will be with her forever. The one who will finally make her dreams come true. The one who will promise her the life she wishes for, the life she deserves. I hold the pictures tight in my hand and put them over my heart; I raise my head to the sky and cry, cry for the year I have spent loving this man, cry for the 'almosts' we didn't have and cry for myself because now I have to go out there again, into the big, bad world, bruised and broken.
"Why?!"
I knelt to the dirt and yelled, "Why?!"
"Lintek ang ingay mo!"
Ang lakas ng batok sa akin ng Tsang Lani ko, muntik na akong sumubsob sa basurahan namin.
"Aray naman, Tsang."
Humihikbi-hikbi pa ako at nagpupunas ng luha. Pinagdadampot ko ang mga nahulog na pictures namin ng Mahal kong si Kenneth.
"Gaga ka talaga. Istorbo ka sa pinapanuod ko para kang baboy na kinakatay diyan."
Hinatak ni Tsang ang braso ko at pilit akong itinayo.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong babae ka, isosoli kita sa inyo."
Bigla naman akong natauhan.
"Huwag naman po, Tsang. Eh alam nyo naman ako gusto ko talaga maging artista mula noong bata ako kaya ganito lang ako, pagpasensyahan niyo na po ako."
Sinubukan kong ngumiti kahit na pilit na pilit. Ayoko naman bumalik sa probinsya namin, lahat ng lalaki doon nakita akong walang salawal mula pagkabata, paano naman ako makakahanap doon ng boyfriend na seseryosohin ako?
"Oh siya, iligpit mo na yan. Ano ba'ng gagawin mo diyan sa mga pictures na 'yan? May pakandi-kandila ka pa, baka makasunog ka na naman dito sa bahay talagang papalayasin na kita!"
Sobra naman, isang beses lang 'yun nangyari tsaka bata pa ako noon. Sabi kasi ng mga kaibigan ko 'pag nakuha ko raw ang picture ng crush ko dasalan ko sa tapat ng kandila ng alas-12 ng hatinggabi at kinabukasan papansinin na niya ako, malay ko ba na hahanginin yung kurtina at tatamaan yung kandila 'di ba?
"Opo, mag-iingat naman po ako Tsang, 'wag na po kayo magalit. Pasok na kayo sa bahay baka matapos na yung pinapanood nyo."
Tinulak ko ang likod ni Tsang ng kaunti para iwanan na niya akong mag-isa at matapos ko na ang rituwal ko.
Pinulot ko ang mga pictures namin ni Kenneth na halos maubos na ang sweldo ko kakaprint galing sa cellphone ko, para lang punitin ang sunugin. Baliw na nga yata talaga ako.
Sumilip muna ako sa likod ko para siguraduhing wala na si Tsang, at nagbalik sa pag-iiyak sa mga alaala namin ni Kenneth. Tiningnan ko ang mga pictures namin habang isa isang sinusunog, para hindi magalit si Tsang bumulong na lang ako.
"Hayop ka kasi e. Gago ka, bakit mo ko pinag-palit?"
"Sana tubuan ka ng mga kurikong sa mukha, hayup ka."
Hinahaplos haplos ko pa ang mukha ni Kenneth sa picture. Hindi ko alam kung isusumpa ko siya or i-te-text ko ulit baka sakaling magkabalikan pa kami.
Kinatok ko ang noo ko.
"Gaga. Gaga ka, 'wag nang umasa! Tama na ang ilang linggong pakikipag-balikan, move on na. Move on na!"
Nakakahiya man aminin, pagdating sa pag-ibig wala ako masyadong pride. Wala sa bokabularyo ko 'yon. Ilang beses man akong itakwil ni Kenneth, dinodoble ko ang efforts ko para makausap siya, hanggang sa i-block na niya ako sa Facebook at nagpalit na rin siya ng number niya. Saklap.
Isa isa ko nang hinagis ang pictures namin sa apoy. Kailangan mawala lahat ito kundi hindi ako makaka-move on. Hindi ko kaya.
Siguro iisipin ng ibang tao ang arte ko at may paganito ganito pa ako, normal ko na 'to. Although pwedeng sabihin na napaka-"extra" ko talaga.
Pagdating sa pag-ibig ayaw ko ng sakto lang, ang gusto ko yung pag-ibig na nakakawasak ng pagkatao. Ang sarap kaya ng ganoong feeling, pero siyempre masakit kapag hindi nagtagal. Pero mas gugustuhin ko nang magmahal ng tunay, magmahal ng "extra" kaysa sa nagmahal ka nga hindi mo naman tinodo 'di ba? Para saan pa?
Parte na ng rituwal ko ang umiyak habang isinusumpa sa mga kalangitan na may makikita akong iba, na magiging masaya rin ako someday. At alam ko ibibigay yan sa akin ni Lord, dahil mabuti naman akong tao. Malandi lang, pero mabuti.
Nang maubos ko na ang pictures, hinawakan ko ang dibdib ko sa ibabaw ng puso ko at sinabing, "Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Kenneth. Simula ngayon tapos na akong umiyak dahil sayo. Makikita mo, makakahanap rin ako ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal na maibibigay ko."
Pinanood ko nang lamunin ng apoy ang mga pictures namin ni Kenneth.
Last day na today ha, Olga. Tomorrow is a new day and tomorrow you'll be a free woman. Free ka na ulet.
Napaiyak ulit ako.
"Langyang luha to, ayaw maubos. Hay!"
Pinahiran ko ang luha ko gamit ang manggas ng t-shirt ko.
"Tama na."
Last hingang malalim at pumasok na ako sa loob ng bahay.
Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Bukas. Lagi namang may bukas.
Hindi pa nauubos ang pagkakataon mo. Mag-25 ka pa lang, bata ka pa at marami pang lalaki diyan. Hindi pa naman naubos ni Kenneth ang bango mo, buti na lang hindi ka naanakan no'ng gagong yun.
Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama.
Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, at pumikit na.
Patulog na ako nang biglang dumagungdong ang boses ni Tsang sa loob ng bahay.
"OLGA ANDREA! HINDI MO NA NAMAN PINATAY ANG KANDILA!"
A/N 04/22/2020:
Hi guys! The original version of this was entitled "My Band Aid Heart" but I changed it to "She's So Extra" dahil... wala lang. Ewan ko rin. LOL
I'm done editing this book so updates will be posted hopefully within the week. Just want to make sure hindi mawawala ang mga votes and kyot na comments from the readers. :)
The original version was posted April, 2018 so dahil second anniversary na niya dito sa Wattpad, ngayon ko lang siya na-edit. Nyeta. Haha.
I hope you guys enjoy the story and hopefully I get to finish the next part of the book - kasi nga serye dapat siya.
Thanks for reading guys!
Love you!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.