PROLOGUE
P R O L O G O
°°°
"Stay away from me."
Apat na salita.
Apat na salitang unti-unti dumurog sa buong pagkatao ko.
Apat na salitang unti-unting sumira ng mga pangarap ko.
Apat na salitang unti-unting nagpawala ng matamis na ngiti sa mga labi ko.
"Uulitin ko, layuan mo na ako." Dagdag pa niya na mas lalong nagpasikip ng dibdib ko. Parang nalunok ko pa ang sarili kong laway. Hindi ako makapagsalita. Ang lakas ng tibok ng puso ko na kung maaari ay sasabog na iyon. Naguguluhan ako.
Anong nangyari?
Parang kahapon lang masaya pa kami.
Parang kahapon lang nag-date pa kami.
Parang kahapon lang...
Mabilis akong kumilos nang makita kong pumihit siya patalikod. Hinawakan ko ang kamay niya. Nagpasalamat pa ako dahil sa kabila ng panghihina ng mga tuhod ko ay nagawa ko pa siyang pigilan. Hindi pwede.. hindi niya ito pwedeng gawin sa 'kin.
"Bitawan mo, Tack." Mahinahon ang boses niya. Tila walang emosyon. Tila walang pakielam. Pilit niyang hinihila ang kamay niya sa 'kin pero hindi ko siya hinayaan.
"S-Spain, please, 'wag ganito.. nakakasakit ka na. 'Wag kang mag-joke. Hindi nakakatuwa." Nanginginig ang boses na sabi ko sa kaniya. She looked at me. Ang dating tingin na puno ng pagmamahal ay nawala bigla ngayon. She looked at me with void of emotion. She looked at me as if I am just a trash in front of her.
"Kung joke iyon para sa 'yo.. seryoso 'yon para sa 'kin. Kung hindi mo pa naintindihan, hayaan mong ipaintindi ko sa 'yo. Pagod na ako, Tack. Pagod na pagod na. Kaya kung pwede? Bitawan mo na ako? Kasi ayoko na."
Kabaklaan mang masasabi pero tumulo ang isang butil ng luha mula sa mga mata ko.
"P-Pero bakit? Mahal mo ako 'di ba? 'Di ba? Sabihin mo sa 'kin, Spain.. m-may nagawa ba akong mali? M-May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? May nagawa ba akong—"
"Wala." Pagpipigil niya sa lahat ng sinasabi ko, "wala kang nagawa."
"K-Kung ganon, bakit ganito? Bakit mo ako pinapalayo?" Tinitigan ko siya sa mga mata. Sinusubukan kong basahin kung ano ang mga nararamdaman niya pero masiyado iyong tago. Masiyadong mahirap basahin ang mga nasa mata niya.
"Paulit-ulit na lang ba tayo dito, Tack?" Napapabuntung-hiningang sabi niya saka buong puwersang hinila ang kamay niya mula sa 'kin, "ano bang gusto mong marinig para maintindihan mo ang 'stay away from me'?" Umiling-iling ako, "ano, Tack? Ang sabihin ko sa 'yong hindi na kita mahal?" marahas akong umiling, "ang sabihing break na tayo?"
"Don't. Please, don't.. hindi ko kakayanin." Umiiyak na talagang sabi ko. Mukha na akong tanga, alam ko, pero wala akong pakielam. Mahal ko si Spain.
"Kung ganon, gawin mo ang sinasabi ko. Stay away from me." Madiing sabi niya. After that, she walked away. She left me hurting.. she left me breaking. Gustuhin ko man siyang pigilan, hindi ko magawa. Masiyado nang masakit ang mga sinabi niya.. at ayoko nang dagdagan pa.