Chapter 2

134 11 0
                                    

Hingal na hingal pa ang bestfriend ko nang dumating sa cubicle ko. Napalingon lang ako sa kanya and nagbuntong hininga matapos ang isa sa mga most favorite parts ng movie na pinapanood ko, all-time favorite The Notebook.

Tumingin ako sa bestfriend ko habang tinatanggal ang earphones ko, kinwelyuhan siya at hinatak palapit sa akin.

"Where is my he? Where is my Noah?"

Nakaupo sa visitor's chair ko si Jem – short for Jeremy. Habang nag-no-normalize ang paghinga niya, itinulak niya ang mukha ko at inilayo sa kanya.

"Tigilan mo nga ako Olga. Lahat tayo may problema sa lalaki ha, 'wag mo akong paandaran niyang pag-d-drama mo."

Binalik ko ang earphones ko sa tenga ko, "Then leave me alone!"

Hinatak ni Jem ang earphones ko.

"Hoy, babae. Pinagbigyan kita ng dalawang linggo ha, tama na 'yon. Ang payat mo na hindi ka na nag-lu-lunch puro ka mukmok diyan sa pwesto mo. Tama na ang panahon na 'yon. Move on na, Bhe."

Tumingin lang ako sa kanya at sumimangot. Jem's been my bestfriend since the day na sinita niya ang shoes ko that did not match my clothes. That was the same month I started in this Marketing firm two years ago.

"Bhe, hindi biro iyong isang taon namin ni Kenneth. Hindi ba ako pwedeng magluksa pa nang kaunti?"

He sighs, "Fine."

"Thanks Bhe."

Nag-air kisses pa ako pero parang lamok niyang pinapatay bago pa siya tamaan.

Bwiset.

"So ano? Ayaw mo bang malaman ang balita ko? Ang layo pa naman ng tinakbo ko para makita ka."

May pag-pout pa siya.

Ngumiti ako at ibinigay sa kanya ang aking full attention at nangalumbaba.

"Okay fine. What is it?"

Inurong ni Jem ang upuan niya palapit sa akin, excited.

"May fresh meat."

Tinataas taas niya pa ang kilay niya. Alam ko na ang ibig niyang sabihin syempre that means – may mga bagong boylet sa office. Pero I've learned from previous experiences not to sh*t where I eat and I'm pretty sure I don't want to do that again. Tsaka durog pa ang puso ko ngayon at ayaw ko rin ng panakip-butas.

Huminga ako nang malalim at ginulo ang buhok ko.

"Jem, hindi pa ako ready okay? Kaka-break lang namin ni Kenneth..."

Sumingit si Jem, "last month."

Hinampas ko ang lamesa ko for effect, "Two weeks ago, bakla. Huwag ka ngang ano. Anyway, hindi pa ako ready makipag-relasyon ulet okay? Masakit pa kaya."

Ngumiti siya, "Ang alin?"

Tumawa naman ako, "Gago! Eto oh, puso ko!" sabay turo sa dibdib.

Umiling lang si Jem, "Hoy, wala naman akong sinabing syota-in mo yung mga bagong hire 'di ba? Sabi ko lang meron, at malay mo hindi pechay ang hanap? Baka ako ang bet."

May point siya ang asyumera ko nga naman.

Tinuloy na ni Jem ang kwento.

"Anyway, dalawa sila parehong nasa IT. So if ever may problema ka PC or connection or whatever, alam mo na."

Alam mo yung na-re-realize mo sa sarili mong hindi ka pa talaga nakaka-move on? Kahit na anong pagbubugaw sa'yo ng mga kaibigan mo hindi mo pa rin maisip na may ibang taong makakapuno noong space na nawala sa'yo. It's like the f*ckers take a little piece of your heart when they go.

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon