Chapter 3

109 11 0
                                    


Muntik nang sumabog ang kapeng iniinom ni Jem sa mukha ko.

"Seryoso ako, Jem. Mag-rereklamo ako sa HR!"

Sumandal si Jem sa upuan niya at nag-cross ng arms niya.

"Seryoso ka? Para lang doon magrereklamo ka? 'Wag ka ngang OA."

Hinataw ko ang lamesa.

"Jem, pinaghintay ako no'ng Carl na 'yon, hindi ba responsibility nila to provide support? And I didn't feel supported."

The more I think about it the more na naiinis ako kasi may point naman si Jem, ang babaw nga naman para magka-record yung bagong hire.

Teka may naalala pa ako.

"Eh 'yung bwisit na manager na 'yon! Sinarahan niya ako ng pinto! In my face!"

Napakagat-labi si Jem.

"Si Sir Chuck?! Patawarin mo na 'yon baka naman busy lang."

Sus, wala na, sabaw na utak nito ni Jem dahil sa gwapong mayabang na yun.

"Hindi pwede. Kailangan bukas ng umaga nasa table ko na ang laptop ko, kung hindi susugurin ko sila doon sa lungga nila!"

***

We are all programmed to believe that if a guy acts like a total jerk that means he likes you.

-He's Just Not That Into You"

Tinanggal ko ang earphones ko at humiga sa kama ko, hindi ko maalis sa isip ko ang Sir Chuck na 'yon. Sino ba siya sa tingin niya?

Sige na, given na medyo irate na ako noong pumunta sa office nila pero hindi ko naman kasalanan 'yon. Justified ako sa pagrereklamo dahil yung tao niya hindi ako binalikan when he said he would. He still had no right para pagsarahan ako ng pinto at pag-hintayin ako sa labas ng 15 minutes tapos paglabas niya umalis lang siya. Naiwan ako doon na nakatanga.

Tumingin ako sa laptop ko na naka-pause sa first few scenes pa lang. In this movie, they're saying na if a guy likes you then he must be annoying you to death para mapansin mo siya. So is he trying to get my attention?

Tinuktok ko ang noo ko

"Ano desperado ka na? Papatol ka na sa ganoon? Bakit mo iniiintindi kung gusto ka no'n or hindi? You're not supposed to care."

Sinilip ko ang cellphone ko at tiningnan ang picture namin ni Kenneth – kahit na anong pilit mo pala na kalimutan gumagawa ng paraan si universe para asarin ka. Heto si Facebook, one year ago daw noong nag-movie date kami - one of our first few dates. Share daw? Ul*l. Sinara ko na ang laptop ko at nagtaklob na ng kumot.

---

Pagdating ko sa cubicle ko the next morning may laptop na nakapatong sa desk ko na may nakalagay nga lang sa ibabaw ng laptop na post-it at nakasulat Spare Unit.

Huminga ako nang malalim at pinilit na hindi umiyak. Nagsisisipa akong parang bata sa pwesto ko para tanggalin ang bad vibes.

Tumingala lang ako at nagreklamo kay Lord.

"Mabait na tao naman po ako 'di ba? Bawi naman po. Sige na!"

"Do you make a habit of talking to yourself?"

Napalingon ako sa lalaking nakasandal sa cubicle ko – si Sir Chuck. Tumingala ako at bumulong ulit kay Big Bro.

"Talaga po ba'ng sinusubukan niyo ako?"

Nagsalita ulit siya, "Are you one of our 'Special Employees'? Ang alam ko mostly they're assigned as Analysts because of their keen attention to detail so I'm not sure why you're assigned here."

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon