Andito ako ngayon nakaupo sa harap ng isang malaking salamin,pinagmamasdan ang aking sarili habang sinusuklay ang aking buhok.Hindi ko ipagkakailang maganda ako sa normal na mga lalake, iba rin ang hubog ng aking katawan na parang sa isang babae.
Dumating na ang araw na aking pinakahihintay ang paghirang sa akin bilang emperatris ng imperyong yuan.Alam kong nagtataka kayo dahil hihirangin akong emperatris sa likod ng aking kasarian sabihin na nating ang bumangga sa akin ay sasagasaan ko abangan nyo nalang kung pano ako nakarating sa tuktuk ng tagumpay na ito.
"kamahalan andito napo ang mga naatasang mag ayos sa iyo" sabi ng aking punong tagapaglingkod na si lady Hongdan.
"Patuluyin mo na sila" agad kong sagot kay lady hongdan.
Pinagmamasdan ko lamang ang aking sarili habang inaayusan nila ako.Pagkatapos nilang maisuot saakin ang kasuotang tanging emperatris lamang ang may karapatang mag suot, isinukbit ko ang singsing ng aking mga magulang sa aking leeg at itinago ito sa aking damit sabay bulong.
"ama,ina masaya kong ibabalita sa inyo na simula sa araw na ito ay ako na ang kikilalaning emperatris ng yuan,ang apelyidong choi na kanilang hinahamak dati ay kanila na ngayong titingalain" napaiyak ako sa ibinulong kong iyon.
Pagkatapos kong ayusan ay tumungo na kami sa harapan ng palasyo sakay ng aking karwahe dahil duon gaganapin anh seremonya ng kasal at paghirang saakin, pagkadating namin ay agad na inanunsyo na ang aking pagdating sabay bukas ng tarangkahan at pagpasok ng aking karwahe.
"ang mahal na emperatris" anunsyo ng punong eunuko ng palasyo at syang pagusad ng aking karwahe,habang dumadaan ang aking karwahe ay nagluluhuran ang lahat ng aking madaanan hanggang marating kona kung nasaan ang emperador ang aking magiging kabiyak at siyang maghihirang saakin bilang emperatris.
Pagkatapos ng pagiisang dibdib ay syang paghirang ng emperador sa akin bilang kanyang kabiyak at kanyang emperatris.
"mabuhay ang mahal na emperador"
"mabuhay ang bagong emperatris"
Paulit-ulit nilang pagbati sa amin. Napangiti ako,sa wakas nakamit ko na ang karangalang magtatayo sa apelyidong choi.
YOU ARE READING
The Beggar's Revenge
Historical FictionSa panahon ng Imperyo ng Yuan ay mayroong pamilyang kapus sa pamumuhay ngunit masayang magkakasama,sa kabila ng kanilang kakapusan ay masaya silang namumuhay ngunit darating isang malagim na pangyayari ang susubok sa katatagan ni Min Ren panganay na...