John 26 years old.

34 0 0
                                    

I'm John 26 years old.

Nang bata palang si John alam na niyang may puso siyang babae. Halos ang kanyang mga pinsan na kasabayang lumaki ay puro babae. At pag nasalabas naman siya ng kanilang bahay ay puro babae din ang kanyang kalaro. Nang bata palang siya puro tukso ang ginagawa sa kanya ng tao. Pati ang mga nakakatanda nitong mga pinsan ganun din sa kanya. Nilalagyan siya ng make-up para gawing katatawanan ng kanilang mga pinsan. Alam ni John na di siya tanggap ng kanyang ama dahil isa siyang bakla at kanya namang tatay ay siga ng kanilang lugar. Di sumagi sa utak ng kanyang ama na mag kakaron siya ng anak ng bakla dahil sa ito ay trantado ng kabataan niya. Kaya habang lumalaki si John ay naranasan niyang paluin ng kanyang ama, sabihan na bakla ka, at kung ano ano pa, kabaliktaran naman ito sa ginagawa ng ama niya sa kanyang pangay na anak na babae na halos ibagay lahat ng luho nito. Naranasan pa din ni John na itali sa hagdanan na parang isang aso para lang ito ay mag bago. Wala naman magawa ang kanyang ina kundi umiyak lang sa tabi habang nakikita niya ang ang kanyang anak ay nahihirapan na.


Hanggang sa lumaki na si John ay nakita niya ang pagbabago ng kanyang ama sa kanya. Nagiging mabait na ito sa kanya at binibigay na din ang mga kunti niyang kagustuhan. Siguro na realize ng kanyang ama na di naman katulad ng ibang bakla ang kanyang anak kaya pinipilit nalang niyang tanggapin kung anoman ang naisin ng kanyang anak na si John. Nag kolihiyo si John at pinag aral ito ng kanyang ama sa University na gusto ni John sa isang exclusive iskul ito. Pinilit ng kanyang ama na igapang ang pag aaral niya. Nang nararamdaman na ni John na nag kakandahirap na sa trabaho ang kanyang ama ay nag pasaya nalang ito na lumipat ng iskul at mag palit ng kurso na madaling makaka graduate. Nag aral na lang siya ng Vocational course para matapos na agad at makahanap ng trabaho. Pag ka-graduate ni John sa kinuwang kurso ay nag hanap na siya ng trabaho. Ngunit mailip sa kanya ang mga inaaplayan niya. Kaya nag pahinga nalang muna siya ng higit isang taon. After 1 year ay nag apply siya sa pinapasukan ng kanyang x classmate niya sa kulehiyo at nakapasok naman siya agad.


Nang nagtratrabaho na si John at kumikita na ng kanyang sariling pera ay wala na itong ginawa kung uminom after ng kanyang trabaho. Pang gabi si John sa napasukan niyang trabaho. Kaya sa halos na dalawang taon nitong pag tratrabaho sa gabi at inuman sa umaga at minsan ay aabutin pa hanggang hapon at ang madalas ay siya ang may pinaka malaking ambag lagi sa inuman o kaya minsan siya ang nag papainom at uunti unti na nalolong sa alak si John. Pag umuuwi ito sa bahay nila pag kagaling sa trabaho animo di siya mapakali at tila hihanap niya ang alak halos di na siya sanay matulog ng walang kargada ng ispirito ng alak. Kaya dumating na sa punto na nag tanong na siya sa kanyang sarili kung bakit ganun ang nang yayari sa kanya. Pinilit niyang baguhin ang kanyang buhay aminado naman siya na di niya mukukuwa agad ang gusto niyang pag babago. At makalipas ang ilang buwan ay napansin na niya ang pagbabago, minsan nalang siya kung mag inom at di na siya ang laging nag yayaya. Napag tanto na din niya na kaylangan din na niyang mag ipon para sa kinabukasan niya at nag karoon na din siya ng pangarap. Pinipilit ni John na abutin ito at alam niyang madami pa siyang pag dadaanan para sa kanyang pangarap at pangarap ni to sa kanyang pamilya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

John 26 years old.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon