Chapter One

32 0 0
                                    

Sunshine

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas, tila ba nagmamadaling yapak ng mga tao. Iminulat ko ang aking mga mata at marahang nakinig sa labas.

"Bilisan niyo na riyan at h'wag kayong masyadong maingay dahil baka magising sina Mang Edgar."

Boses iyon ni Mang Tonyo ang pumapangalawa sa aking Tatay sa pamamahala ng mga trabahador.

"Ano kayang meron?"

Bumangon ako't binuksan ang bintana na yari lamang sa sawali, itinukod ko rito ang isang dos por dos upang manatili itong bukas. Mahirap man kami ay masaya parin dahil namumuhay kami ng payak at masagana dito sa loob ng Hacienda Del Vergara.

"Magandang Umaga sayo, Sunny." Ngiting bati ni Mang Kanor, isa sa mga nagdi deliver ng mga ani papuntang bayan at kalapit na mga Barangay.

"Magandang Umaga rin ho!" Tugon ko sa matanda.

"Mas maganda kapa sa umaga  Sunny." Gulat kong binalingan ng tingin ang aking kababatang si Lucio, anak ni Mang Pepe na siya namang tagapangalaga ng mga kabayo nang Don at nang mga apo't anak nito.

"Magandang Umaga." Matamis na ngiti ginawad niya sakin at kumindat pa. Napangiti naman ako.

"Ang pilyo mo talaga Lucio, Magandang Umaga rin." Sagot ko sa kababata kong taga pagdeliver rin ng mga aning prutas, gulay at bigas.

"O siya't mauna na tayo Lucio, tama na ang pag papapogi points mo riyan kay Sunshine." Asar ni Mang Kanor kay Lucio, natawa na lamang ako. Hindi lingid sa akin na mayroon ngang pagtingin sakin si Lucio pero ayaw kong pagtuunan ng pansin iyon dahil kaibigan lang ang tingin ko sakanya.

"Mang Kanor naman, H'wag mo naman akong ibuking." Tila nasasaktan niyang sabi.

"Sige na! Mag-iingat kayo sa lakad niyo."

"Sige Sunny! Babye." Paalam niya't kumindat muli. Ngumiti na lamang ako.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya nagugustuhan, maganda naman ang features ng kanyang mukha pati narin ang kanyang katawan ay maganda ang hubog dahil sa pagtatrabaho, marami ngang nagkakagusto sakanya at sinasabing crush siya at swerte raw ako't nakakasama ko siya. Pero heto ako't tanging pagkakaibigan lang ang gusto sakanya.

Natatawa ako nung maalala ko ang sabi ng kaibigan kong bading na si Joma, na gusto rin daw niyang mahawakan ang abs ni Lucio. Nakita niya kasing pinunasan ko iyon nung nabuhusan ko siya ng tirang dinuguan. Hindi ko naman siya nakita kaya natapunan ko siya ng tirang ulam. Hindi ko rin naman sinasadyang mahawakan ang abs ni Lucio dahil sa gulat ko. Kaya hayun,  nagdrama ang bading kong kaibigan.

Tinitigan ko na lamang ang papasikat na Haring Araw, Napakaganda nito. Naalala ko ang sabi ng guro ko sa ika-limang baitang na maganda raw sa feeling kapag nakakakita ng sunrise sabi nga niya kahit twice in a year lang daw kailangan naming sanayin ang katawan namin na gumising ng maaga para makita ang sunrise dahil nakaka freshen' up ito ng feelings. Tama nga naman si mam nakaka good vibes ang sunrise at nakaka freshen' up sa damdamin.

"Ate, bakit ang ingay nila? " Binalingan ko ang aking bunsong kapatid na si Nisha na namumungay pa ang mga mata.

"Magdideliver sila ng mga ani sa bayan, Sige na matulog kapa ulit. Maaga pa naman." Sagot ko habang nagliligpit ng kumot at unan na ginamit.

"Ang aga naman nilang magdeliver. among or as na ba ate?" Tanong niya habang kinukusot ang mapupungay na mata.

Tiningnan ko ang alarm clock na malapit sa kama.

"Maaga pa nga. Alas singko kwarenta palang. Matulog kana ulit."

"Ang aga namang sumikat ng araw. " Puna niya habang humiga ulit sa kama.

Lumabas na ko't dumiretso sa kusina upang maghanda ng almusal.

"Ang aga mo namang nagising anak." Puna ni Nanay na kakalabas pa lang sa kanilang kwarto.

"Naalimpungatan po kasi ako sa ingay kanina."

"Ang bango naman n'yan anak, ano ba yang niluluto mo?" Tanong naman ni tatay na kasunod lamang na lumabas ni Inay.

Nataw ako nang maalala kong nagising pa ng wala sa oras kanina ang pangalawa kong kapatid na si Zoren, ang bango raw kasi ng luto ko na siya namang paborito niya.

"Maupo na po kayo. Malapit na po akong matapos." Alok ko sa kanila.

"Tulog parin ba si Nisha?"

"Opo tay. Heto, tapos na ko. Mag agahan na po tayo."

"Ate,  narinig kong tapos kana at kakain na. " Kumaripas na takbo si Zoren.

"Oh, Ren. Ganun kaba ka atat kumain at tumakbo kapa? " Natatawa kong tanong sakanya.

"Gising kana pala, Ren."

"Opo nay tay. Good morning! Syempre ate, ayaw kong maubusan ng napakabango at napakasarap na luto mo. "

"Sobra naman yang mga words na ''Napaka" para sa simpleng luto lang. Mambobola ka!"

"Tatawa-tawa kapa dyan ate. Totoo naman e."

"Osige na. Kain na, saan kaba galing? "

"Sa labas. Nay, Tay!  Darating pala ang ilan sa mga apo ni Don Gabriel at pati narin ang friends nila."

"Kanino mo yan nalaman?" Tanong ko naman.

"Kina Rodel ate. Kaya ang ingay kanina e. Nag hahanda daw ang ibang kasambahay sa mansyon para sa pagdating nila. Magbabakasyon daw e."

"Ah! Kaya pala. Kailangan narin pala ako sa mansyon."

"Tao po. Magandang umaga!" Napatingin kami sa taong dumating sa may salas, si Aling Tintin iyon.

"O mare! Kailangan ka mamaya sa mansyon. Pumunta kana lamang don huh."

"Oo mare. Kelan lang ba dumating ang mga bisita?"

"Kaninang alas tres ng umaga. Ang gaganda at ang gagwapo talaga ng mga apo ni Don Gabriel e. May kasamang mga barkada daw, ang gaganda rin at ang gagwapo." Kwento ni Aling Tintin na para bang manghang mangha sa kagandahan ng mga dayo.

"Aba mare. Ganyan talaga kapag manileño."

"Aba, maganda rin naman yang si Sunshine kahit hindi manileño. Matangkad pa't wavy ang medyo brown nabuhok. Ang ganda mo Sunshine, parang ang panahon ngayon ang ganda." Sabi niya habang nakatingin sakin.

"Ay! Salamat po." Nakangiti kong sagot.

"Buti pa yang anak mo ay may natural na kulay at wavy na buhok, yung sa mga bisita na kasama ng pangalawang anak nina Sir Antonio, puro artificial ang kulay." Pagmamalaki niya sa buhok ko.

"Alagaan mo yang buhok mo, Sunny. Sige aalis nako. Mare huh, ikaw ang taga luto sa mansyon wag kang mahuhuli."

Hindi ko alam kung ano ba ang gustong iparating ni Aling Tintin, kanina lang sobra ang pagpuna niya sa mga bisita tapos biglang sakin na naman.

"Ang daldal ni Aling Tintin."

"Oh, gising kana pala Nisha. Kumain kana!" Sabi ni Tatay.

"Opo, Ate. Alam mo kahit madaldal si Aling Tintin, tama naman ang sinabi niya. Maganda ka at ang brown mong buhok, sa kanila artificial lang. Nagpapasalon kasi mayaman."

"Karapatan iyon nila at may pera sila Nisha, wala kana dun. Naiinggit kalang, magtrabaho ka din at pakulayan mo yang buhok mo gaya nang kay Ate." Sabat ni Zoren.

"Bakit kasi iba ang kulay ng buhok mo ate Sunshine?  Nakakainggit." Nakasimangot niyang sabi.

"Tama na yan! Mag aaway at magkakainggitan lang kayo." Saway ni tatay.

Tama nga naman karapatan iyon nila dahil may pera silang pang salon. At ang kulay ng buhok ko, bakit nga ba?

Hacienda Del Vergara: Sunshine SiascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon