23

100 10 0
                                    

"..dahil AKIN SIYA!"

"Grae!" Nanlaki ang mga mata ng lalaking iyon.

Halos magpulasan sa takot ang lahat maging ang mga estudyanteng nasa paligid. Kanya kanyang bulungan.

"Ibigay niyo na sa akin ang isang ito." Saglit siyang bumaling sa akin saka ibinaba ang kamao ng lalaking iyon.

Napasinghal naman ito. "May atraso din ba sayo ang babaeng yan, Grae?"

"Malaki. Malaki ang atraso niya sa akin." Muli siyang lumingon sa akin.

Napalunok ako. Anong pinagsasabi niya?

"Kung ganun ay ikaw na ang bahala sa kanya." Masamang tingin ang ipinukol sa akin ng lalaking iyon. "Tara na!" Sigaw nito sa mga kasama.

"Sandali."

Nilingon siya ng mga lalaking iyon.

"Makinig kayong lahat!" Tinignan niya ang mga lalaking iyon. "Walang sino man ang pwedeng gumalaw sa kanya, sa loob o sa labas man ng H.U." Nilibot nito ng tingin ang buong paligid kasama ang mga nanunuod pagkatapos ay bumaling sa akin. "Akin siya at ako lang ang pwedeng manakit sa kanya."

Akin siya at ako lang ang pwedeng manakit sa kanya.

Tsk! Ang akala yata niya ay kayang kaya nila akong saktan. Maliit man ang katawan ko ay kayang kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko.

Pero tama siya.

Siya lang ang nakapanakit sa akin ng ganito. Mas masakit pa kaysa sa pisikal na galos at sugat sa katawan.

Pagkatapos ng sinabi niya ay unti-unting nagsialisan ang mga nanduruon. Pakiramdam ko ay bumilis ang takbo ng oras at bumagal ng kami na lamang. Ang kaninang dagat ng estudyante ay unti-unting nawala hanggang sa kaming apat na lamang ang naiwan.

At habang nakikita ko siya ngayon sa aking harapan ay muling ibinabalik ng ala-ala ko kung paano niya akong iniwan pagkatapos niya akong halikan.

Isang halik na hindi dapat nangyari.

Pagkatapos ng gabing iyon ay ginawa ko ang lahat para kalimutan siya. Naging abala ako sa lahat ng bagay. Itinuon ko ang atensyon ko sa pag-aaral. Pinilit kong maging masaya at bumalik sa dating ako. Ang 'ako' na walang kilalang 'siya' sa buhay ko.

Pero ngayon ay para bang nakalimutan ko na ang lahat ng iyon. Pinilit ko siyang kalimutan pero nakilala parin siya ng puso ko. Siya parin ang laman nito. At hindi siya nalimot saglit man.

Pero..

Alam kong walang patutunguhan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nilagpasan ko siya na para bang wala siya sa harapan ko. Kailangan kong pigilan ang puso ko hanggat kaya ko pa. Kailangan kong ituloy ang paglimot sa kanya.

Lumapit ako kay Lianne. Mas kailangan kong isipin ang kalagayan niya ngayon.

"Lianne." Anas ko.

Madali siyang binuhat ni Grae. Sinundan naman siya si Bea.

"Sasama ka ba sa ospital o magpapaiwan ka na lang?"

Dinala namin si Lianne sa ospital kung saan nanganak si Ate Anika. Pag-aari iyon ng mga Ho. Natatakot akong malaman nila ang nangyari. Pero nandito na kami. Mas mahalaga ang magamot si Lianne.

Agad kaming inasikaso ng mga nurse ng makita nila si Grae.

Naiwan kaming tatlo sa waiting area.

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon