" pusong bulag "

31 1 0
                                    


mali ba?
ang mahalin ang isang tulad mong may mahal ng iba
saan banda?
ituro mo nga sa akin ng matauhan
kahit wag na wala din namang kwenta
dahil sa puso ko ikaw nag iisa
kahit na alam ko sa puso mo siya lang talaga
kakalimutan na ba?
yong kahapon na kasama ka
kahit na gawagawa ko yong tayong
dalawa
kahit ako lang ang may alam na may tayo pala
akala ko kasi talaga,akala lang pala
binigyan ko ng dahilan mga tingin nyong mga mata
umaasa ang puso sa matamis na salita
matamis na ngayon isang mapait na lamang na alaala
hihinto naba?
pwede naman kasi na
habang mahal mo siya
mamahalin din kita
hayaan mo lang akong ganto,hanggang sa magsawa mahalin ang tulad mong ni minsan di ako nakita
kasalan ba?
ang ibigin ka kahit may siya na
kahit kapit ka na nya
hindi ko nakita
ang sinasabi mong kalimutan ka
dahil maging ang puso ko nabulag na
nabulag na sa kakaasang tayo maging isa
mali ba?
kakalimutan naba?
hihinto naba?
kasalanan ba?
kailan ba naging mali ang magmahal
hindi naman kita sa kanya aagawin
hindi naman kita sa kanya gagapangin
hindi naman kita guguluhin
mamahalin lang kita ng palihim
hindi ko pakaya
hanggat ikaw pa
hanggat wala pang iba sa puso ko
mamahalin parin kia
hindi naman kasi mahalaga
malaman mo itong nararamdaman
siguro nga ito ang inukit ng tadhana
ang tignan ka lang na nakagiti kasama nya
sa pagmamahal kase hinde matek na
kung mahal mo siya
dapat mahal ka din nya
kung gusto mo siya
dapat gusto ka rin nya
maling takteka,
tadhana na ang tawag
kung ang crush mo ay crush ka
kung ang gusto mo

ay gusto ka
kaya hihinto lang ako kung kaya kona
tignan ang larawan mo nang di lumuluha
hihinto lang ako kung masaya na talaga
yong totoong saya,yong totoong tawa
yong hinde peke,yong hinde kunware
alam kong mangyayare yon
not now but soon
sa ngayon mapapakabulag muna
magpapakatanga
magpaparaya
hanggang dumating na lang ang araw na wala na
tapos na malaya na ko mag magmahal at hindi na ikaw ang na aalala
~

jherico

pusong bulagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon