Chapter 41 (Salvage Her)

127 3 0
                                    


Nagpalipas ng gabi si Red sa Agila. Hindi na siya umuwi para mamonitor ang location ni Venus. Past nine o' clock nang nakatanggap siya ng unregistered call. Sininyasan siya ni Castillo na sagutin ang tawag.

"Oh kumusta kaibigan nababaliw na ba kayo sa kahahanap kay Thea or shall I say Venus?"

"Walanghiya ka TJ! Mahahanap rin kita, gago ka."

"Mahal na mahal mo talaga ako Red noh? Hahahahaha. Anyway I just called because I am filming a movie right now. Syempre ako ang bida supporting character lang si Venus."

"Enough with the chitchat TJ. Huwag na huwag mo siyang sasaktan!"

"Hmm...depende hahahaha."

The call ended. Mayamaya nakatanggap siya ng video. He played it.

"Hi Red,welcome to my movie clip. I hope you will like it" ani TJ.

"Hayop ka TJ pakawalan mo ako!" sigaw ni Venus.

"Ssshh....'wag kang maingay!"

Nakita ni Red na tinulak ni Venus ang lalakeng nakahawak rito. Sinipa din nito ang isa pang nakahawak sa braso nito.

"Mga hangal! Babae lang 'yan hindi niyo pa mapaamo. Mga bobo!"

"Eh sir malakas po."

"Ganoon? Bobo! Problema ko ba 'yon? Anyway, ganito magpaamo ng isang babae."

Binaril ni TJ si Venus sa binti kaya natumba ito. Nilapitan ng lalake si Venus saka hinila ang buhok nito.

"Argh! I will kill you TJ. I swear!" sigaw ni Venus.

"Hahaha sige lang sumigaw ka lang wala naman makakarinig sayo dito. Hoy! Kumilos nga kayo, itali sa kama ito."

Itinali sa may kama si Venus with  her arms and legs spread tila isa itong alay.

"Bwisit ka TJ kapag nakawala ako dito I will send your ass into the pits of hell."

"Oh I like it Venus!" at tumawa ito.

"Demonyo ka!"

"Tsk! Ang ingay mo nakukulili na 'yong tainga ko!" at mabilis na diniinan nito ang binti kung saan nadaplisan ng baril ang babae.

Napasigaw sa sakit si Venus.

"Hahaha ano masakit ba? Sige gamutin ko muna. Hoy! Mga ugok kumuha kayo ng betadine at gauze. Bilis!" utos nito sa mga utusan.

Mayamaya lumapit ang lalake sa camera.

"Nandyan ka pa Red? How's my movie? Teaser pa lang 'yon ah. Hahahaha oh sige babye!"

Then the video stopped. Nilapitan siya ni Castillo.

"Nakuha mo ba ang location?"

"Hindi unregistered number ang ginamit at mukhang sa ibang lugar ginawa ang tawag."

"Send me the video,dapat itong malaman ni Mr.Herrera."

"Sige."

Ilang saglit ay tumayo si Red at akmang aalis nang pigilan siya ni Dante.

"Saan kayo pupunta sir?"

"Hahanapin ko si Venus."

"Pero baka mapahamak ka sasama ako."

"No Dante, dito ka lang. I'll monitor you kapag nahanap ko na si Venus."

Tumango ito.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon